Job 25 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Nagsalita si Bildad

1Sumagot si Bildad na taga-Shua,

2“Makapangyarihan ang Diyos

at kagalang-galang.

Pinaghahari niya

ang kapayapaan sa langit.

3Mabibilang ba ang kanyang hukbo?

May lugar bang hindi nasisinagan

ng kanyang liwanag?

4Paano makakatayo ang isang tao

sa harapan ng Diyos

at sasabihing siya ay matuwid?

Mayroon bang taong ipinanganak

na walang kapintasan?

5Kung ang buwan at mga bituin

ay hindi maliwanag sa kanyang paningin,

6di lalo na ang tao

na parang uod lamang.”

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help