Salmo 63 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 63Awit na isinulat ni David habang siyaʼy nasa ilang ng Juda.

1O Diyos, kayo ang aking Diyos.

Hinahanap-hanap ko kayo.

Nananabik ako sa inyo nang

buong pusoʼt kaluluwa,

tulad ng lupang tigang sa ulan.

2Nakita ko ang presensya ninyo

doon sa Templo,

nasaksihan ko roon ang inyong kapangyarihan

at kaluwalhatian.

3Akoʼy magpupuri sa inyo,

sapagkat ang inyong wagas na pag-ibig

ay mas mainam pa kaysa buhay.

4Pasasalamatan ko kayo

habang akoʼy nabubuhay.

Itataas ko ang aking mga kamay

sa paglapit sa inyo.

5Masisiyahan ako tulad ng taong nabusog

sa malinamnam na handaan.

At magpupuri ako sa inyo ng awit ng kagalakan.

6Sa aking paghimlay, kayo ang naaalala ko.

Sa buong magdamag, kayo ang iniisip ko.

7Dahil kayo ang tumutulong sa akin, aawit ako,

habang akoʼy nasa inyong kalinga.

8Lumapit ako sa inyo at inalalayan nʼyo ako

ng inyong kanang kamay

upang hindi ako mapahamak.

9Ngunit silang nagtatangka sa aking buhay

ay mapupunta sa lugar ng mga patay.

10Mamamatay sila sa labanan

at ang kanilang mga bangkay

ay kakainin ng mga asong-gubat.

11Matutuwa ang hari sa ginawa ng Diyos sa kanya.

Matutuwa rin ang mga nangako sa Diyos.

Ngunit ang lahat ng sinungaling

ay patatahimikin ng Diyos!

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help