Hoseas 3 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Si Hoseas at ang Kanyang Asawa

1Sinabi ng Panginoon sa akin, “Umalis ka at ipakita mong muli ang iyong pagmamahal sa iyong asawa kahit na nangangalunya siya. Mahalin mo siya katulad ng pagmamahal ko sa mga mamamayan ng Israel kahit na sumasamba sila sa ibang mga diyos at gustong maghandog sa kanila ng mga tinapay na may mga pasas.”

2Kaya binili ko siya sa halagang labinlimang pirasong pilak at apat na sakong sebada.

3At sinabi ko sa kanya, “Makisama ka sa akin ng mahabang panahon, at huwag ka nang sumiping sa ibang lalaki. Kahit ako ay hindi muna sisiping sa iyo.”

4Nangangahulugan ito na sa mahabang panahon ang mga Israelita ay mawawalan ng hari, pinuno, mga handog, alaalang bato, espesyal na damit sa panghuhula, at mga diyos-diyosan.

5Ngunit sa bandang huli, magbabalik-loob silang muli sa Panginoon nilang Diyos at sa lahi ni David na kanilang hari. Buong paggalang silang lalapit sa Panginoon dahil sa kanyang kabutihan.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help