Salmo 129 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 129Awit ng mga umaakyat sa Jerusalem upang sumamba sa Panginoon.

1Mga taga-Israel, sabihin ninyo

kung paano kayo pinahirapan

ng inyong mga kaaway

mula nang itatag ang inyong bansa.

2“Maraming beses nila kaming pinahirapan

mula pa nang itatag ang aming bansa.

Ngunit hindi sila nagtagumpay laban sa amin.

3Sinugatan nila nang malalim ang aming likod,

na parang lupang inararo.

4Ngunit ang Panginoon ay matuwid,

pinalaya niya kami sa pagkaalipin

mula sa masasamâ.”

5Magsitakas sana dahil sa kahihiyan

ang lahat ng namumuhi sa Zion.

6Matulad sana sila sa damong tumutubo sa bubungan ng bahay,

na nang tumubo ay agad ding namatay.

7Walang nagtitipon ng ganitong damo

o nagdadala nito na nakabigkis.

8Sanaʼy walang sinumang dumadaan na magsasabi sa kanila,

“Pagpalain nawa kayo ng Panginoon!

Pinagpapala namin kayo sa pangalan ng Panginoon.”

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help