Salmo 108 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 108Awit na isinulat ni David.(Salmo 57:7‑11; 60:5‑12)

1O Diyos, lubusan akong nagtitiwala sa inyo.

Buong puso kitang aawitan ng mga papuri.

2Gigising ako ng maaga

at ihahanda ko ang alpa

at mga instrumentong may mga kuwerdas.

3 Panginoon, pupurihin kita

sa gitna ng mga bansa.

Akoʼy aawit para sa inyo sa gitna

ng inyong mga mamamayan.

4Dahil napakadakila at walang kapantay

ang pag-ibig nʼyo at katapatan.

5O Diyos, ipakita nʼyo ang inyong

kapangyarihan sa kalangitan

at ang inyong kaluwalhatian

sa buong mundo.

6Iligtas nʼyo kami at tulungan

sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan,

upang kaming mga minamahal nʼyo ay maligtas.

7O Diyos, sinabi nʼyo roon sa inyong santuwaryo,

“Magtatagumpay ako! Hahatiin ko ang Shekem

at ang Lambak ng Sucot,

upang ipamigay sa aking mga mamamayan.

8Sa akin ang Gilead at Manases,

ang Efraim ay gagawin kong tanggulan

at ang Juda ang aking tagapamahala.

9Ang Moab ang aking utusan

at ang Edom ay sa akin din.

Sisigaw ako ng tagumpay

laban sa mga Filisteo.”

10Sinong magdadala sa akin sa Edom

at sa lungsod nito na napapalibutan ng pader?

11Sino na ang makakatulong, O Diyos,

ngayong itinakwil nʼyo na kami?

Ni hindi na nga kayo sumasama sa aming mga kawal.

12Tulungan nʼyo kami laban sa aming mga kaaway,

dahil ang tulong ng tao ay walang kabuluhan.

13Sa tulong nʼyo, O Diyos,

kamiʼy magtatagumpay

sapagkat tatalunin nʼyo ang aming mga kaaway.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help