Awit 1 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

1Ang pinakamagandang awit ni Solomon.Babae

2Paliguan mo ako ng iyong mga halik.

Sapagkat mas matamis pa

kaysa alak ang iyong pag-ibig.

3Kay sarap amuyin ng iyong pabango,

at ang ganda ng pangalan mo,

kaya hindi kataka-takang

ang mga dalagaʼy napapaibig sa iyo.

4Sige na, O aking hari,

dalhin mo ako sa iyong silid.

Mga Babae ng Jerusalem

Sa piling mo,

kami ay maligaya.

Mas gusto pa namin ang pag-ibig mo

kaysa anumang inumin.

Babae

Tama lang na umibig sila sa iyo!

5O mga babaeng taga-Jerusalem,

maitim nga ako gaya ng mga tolda sa Kedar,

ngunit maganda naman tulad ng kurtina

sa palasyo ni Solomon.

6Huwag ninyo akong hamakin

dahil sa kulay ng aking balat.

Maitim nga sapagkat nabibilad

sa init ng araw.

Nagalit sa akin ang mga kapatid kong lalaki,

at doon sa ubasan akoʼy pinagtrabaho nila.

Dahil ditoʼy napabayaan ko

ang sarili ko.

7Mahal, sabihin mo sa akin

kung saan ka nagpapastol

ng iyong kawan ng mga tupa.

Saan mo sila pinagpapahinga

tuwing tanghali?

Sabihin mo sa akin upang hindi na kita hanapin

sa mga kaibigan mong nagpapastol din.

Dahil baka akoʼy mapagkamalan

na isang babaeng bayaran.

Mga Kaibigan

8Kung hindi mo alam,

O babaeng ubod ng ganda,

sundan ang bakas ng aking mga tupa.

Papunta ito sa tolda ng mga pastol,

at mga batang kambing mo

ay doon mo na rin ipastol.

Lalaki

9O irog ko, tulad moʼy isang babaeng kabayo

ng karwahe ng hari ng Ehipto.

10Napakaganda ng iyong mga pisngi,

na lalong pinaganda ng mga alahas.

O anong ganda rin ng iyong leeg

na sinuotan ng kuwintas.

11Ikaʼy igagawa namin ng alahas

na yari sa mga ginto at pilak.

Babae

12Habang ang hariʼy nasa kanyang mesa,

pabango koʼy humahalimuyak.

13Parang samyo ng mira

ang bango ng aking iniibig,

habang sa aking dibdib

siya ay nakahilig.

14Ang mahal koʼy tulad ng kumpol

ng mga bulaklak na henna,

na namumulaklak doon

sa ubasan ng En-gedi.Lalaki

15Napakaganda mo, aking giliw.

Mga mata moʼy kasimpungay

ng mga mata ng kalapati.

Babae

16Kay kisig mo, mahal ko.

Napakaganda mong pagmasdan!

Ang damuhang luntian ang ating higaan.

Lalaki

17Ang mga haligi ng ating tahanan

ay mga sedro,

at mga sipres naman ang mga biga nito.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help