Ezra 2 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Ang Talaan ng mga Bumalik Mula sa Pagkabihag(Neh. 7:4‑73)

1Ang mga sumusunod ay ang mga Israelita sa probinsya ng Juda na binihag noon ni Haring Nebucadnezar at dinala sa Babilonia (nakabalik na sila sa Jerusalem at sa mga sarili nilang mga bayan sa Juda,

2kasama ang mga namuno sa pagbalik nila sa Jerusalem na sina Zerubabel, Jeshua, Nehemias, Seraias, Reelaias, Mordecai, Bilsan, Mispar, Bigvai, Rehum, at Baana).

Ito ang talaan at bilang ng mga mamamayan ng Israel na bumalik mula sa pagkabihag:

3Mga angkan nina

Paros 2,172

4Sefatias 372

5Arah 775

6Pahat-moab (mula sa mga pamilya nina Jeshua at Joab) 2,812

7Elam 1,254

8Zatu 945

9Zacai 760

10Bani 642

11Bebai 623

12Azgad 1,222

13Adonikam 666

14Bigvai 2,056

15Adin 454

16Ater (na tinatawag ding Ezequias) 98

17Bezai 323

18Jora 112

19Hasum 223

20Gibar 95

21Mga Israelitang ang mga ninuno ay tumira sa mga sumusunod na bayan:

Bethlehem 123

22Netofa 56

23Anatot 128

24Azmavet 42

25Kiriat-jearim, Quefira, at Beerot 743

26Rama at Geba 621

27Micmas 122

28Betel at Hai 223

29Nebo 52

30Magbis 156

31sa isa pang Elam 1,254

32Harim 320

33Lod, Hadid, at Ono 725

34Jerico 345

35Senaa 3,630

36Mga pari:

Mga angkan ni

Jedaias (mula sa pamilya ni Jeshua) 973

37Imer 1,052

38Pashur 1,247

39Harim 1,017

40Mga Levita:

Mga angkan nina Jeshua at Kadmiel (mula sa pamilya ni Hodavias) 74

41Mga mang-aawit sa Templo na mula sa angkan ni Asaf 128

42Mga tagapagbantay ng Templo na mula sa angkan nina Salum, Ater, Talmon, Akub, Hatita at Sobai 139

43Mga tagapaglingkod sa Templo:

Mga angkan nina

Ziha, Hasufa, Tabaot,

44Keros, Siaha, Padon,

45Lebana, Hagaba, Akub,

46Hagab, Salmai, Hanan,

47Gidel, Gahar, Reaias,

48Rezin, Nekoda, Gazam,

49Uza, Pasea, Besai,

50Asnah, Meunim, Nefisim,

51Bakbuk, Hakufa, Harhur,

52Bazlut, Mehida, Harsa,

53Barkos, Sisera, Tema,

54Nezias at Hatifa.

55Mga angkan ng mga alipin ni Solomon:

Ang mga angkan nina

Sotai, Soferet, Peruda,

56Jaala, Darkon, Gidel,

57Sefatias, Hatil,

Poqueret-hazebaim at Ami.

58Ang kabuuang bilang ng mga angkan ng mga tagapaglingkod sa Templo at mga angkan ng mga alipin ni Solomon ay 392.

59May mga bumalik din mula sa mga bayan ng Tel-mela, Tel-harsa, Querub, Adon, at Imer. Ngunit hindi nila mapatunayan na silaʼy talagang mga Israelita.

60Sila ang mga nagmula sa angkan nina Delaias, Tobias at Nekoda na may kabuuang bilang na 652.

61Hindi rin mapatunayan ng mga angkan nina Hobias, Hakoz, at Barzilai na mga pari sila. (Nang nag-asawa si Barzilai, dinala niya ang pangalan ng biyenan niyang si Barzilai na taga-Gilead.)

62Dahil nga hindi nila makita ang talaan ng mga ninuno nila, hindi sila tinanggap bilang mga pari.

63Sinabihan sila ng gobernador na hindi sila maaaring kumain ng mga pagkaing inihandog sa Diyos hanggaʼt walang pari na sasangguni sa Panginoon tungkol sa kanilang pagkapari sa pamamagitan ng Urim at Tumim.

64Ang kabuuang bilang ng mga bumalik sa Juda mula sa pagkabihag ay 42,360,

65hindi pa kabilang dito ang mga alipin nilang lalaki at babae na 7,337, at mga mang-aawit na lalaki at babae na mahigit dalawang daan.

66May dala silang 736 na mga kabayo, 245 mola,

67435 kamelyo, at 6,720 asno.

68Pagdating nila sa Templo ng Panginoon sa Jerusalem, ang ibang mga pinuno ng mga pamilya ay nagbigay ng kusang-loob na tulong sa muling pagpapatayo ng bahay ng Diyos sa dati nitong kinatatayuan.

69Nagbigay sila ayon sa makakaya nila para sa gawaing ito. At ang kabuuang natipon nila ay mga limandaang kilong ginto, mga tatlong libong kilong pilak, at isang daang pirasong kasuotan para sa mga pari.

70Ang bawat isa sa kanila ay bumalik sa kani-kanilang bayan, pati na ang mga pari, ang mga Levita, ang mga mang-aawit, ang mga tagapagbantay ng Templo, ang mga tagapaglingkod sa Templo at ang iba pang mga Israelita ay nanumbalik sa kanilang mga bayan.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help