Salmo 23 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 23Awit na isinulat ni David.

1Ang Panginoon ang aking pastol,

hindi ako magkukulang ng anuman.

2Pinagpapahinga niya ako

sa malagong damuhan,

inaakay niya ako patungo

sa tahimik na batisan.

3Binibigyan niya ako

ng panibagong kalakasan.

Pinapatnubayan niya ako

sa tamang daan,

upang siyaʼy aking maparangalan.

4Dumaan man ako sa madilim

na libis ng kamatayan,

hindi ako matatakot

dahil kayoʼy aking kasama.

Ang inyong pamalo at tungkod

ang sa akiʼy umaaliw.

5Ipinaghahanda nʼyo ako ng piging

sa harap ng aking mga kaaway.

Pinapahiran nʼyo ng langis ang aking ulo.

At hindi nauubusan ng laman

ang aking inuman.

6Tiyak na ang pag-ibig at kabutihan nʼyo

ay mapapasaakin

habang akoʼy nabubuhay.

At akoʼy maninirahan

sa inyong tahanan,

aking Panginoon, magpakailanman.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help