Salmo 11 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 11Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.

1Sa Panginoon ako kumakanlong.

Ngunit sinasabi ninyo sa akin,

“Tumakas ka papuntang kabundukan,

lumipad kang tulad ng ibon.

2Inihanda na ng mga masasama

ang kanilang mga pana,

upang panain nang palihim

ang mga matutuwid.

3Ano ang magagawa ng mga matutuwid

kung ang batas na pundasyon ng bayan

ay wala nang halaga?”

4Ang Panginoon ay nasa kanyang Templo;

at nasa langit ang kanyang trono.

Tinitingnan niya at sinisiyasat

ang lahat ng tao.

5Sinisiyasat niya ang matutuwid

at masasamâ.

Ngunit siyaʼy napopoot sa mga malulupit.

6Pauulanan niya ng lumalagablab

na baga at asupre ang masasamâ;

at ipapadala niya ang mainit na hangin

na papaso sa kanila.

7Dahil ang Panginoon ay matuwid

at siyaʼy nalulugod sa mga gawang mabuti.

Kaya ang mga namumuhay nang tama

ay makakalapit sa kanya.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help