Salmo 16 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 16Awit na isinulat ni David. Isa itong miktam.

1O Diyos, ingatan nʼyo po ako,

dahil sa inyo ako nanganganlong.

2Sinabi ko sa Panginoon,

“Kayo ang aking Panginoon.

Lahat ng kabutihang nakamtan ko

ay mula sa inyo.”

3Tungkol naman sa mga taong banal

na nasa lupaing ito,

lubos ko silang kinalulugdan.

4Ngunit ang mga piniling sumamba

sa mga diyos-diyosan

ay lalong mahihirapan.

Hindi ako sasáma sa paghahandog nila ng dugo

sa kanilang mga diyos-diyosan,

at ayaw kong banggitin man lang

ang pangalan ng mga ito.

5 Panginoon, kayo ang lahat sa aking buhay.

Lahat ng pangangailangan koʼy inyong ibinibigay.

Kinabukasan koʼy nasa inyong mga kamay.

6Ang mga biyayang kaloob nʼyo sa akin

ay parang kaaya-ayang taniman.

Tunay na napakaganda

ng pamana nʼyo sa akin.

7Pupurihin ko kayo, Panginoon, na sa akin ay nagpapayo.

At kahit sa gabiʼy pinaaalalahanan ako ng aking budhi.

8 Panginoon palagi ko kayong iniisip,

at dahil kayo ay lagi kong kasama, hindi ako matitinag.

9Kayaʼt nagagalak ang aking puso,

at akoʼy panatag, dahil alam kong ligtas ako.

10Sapagkat hindi ninyo pababayaan

na mapunta ako sa lugar ng mga patay;

hindi nʼyo hahayaang mabulok sa libingan

ang matapat ninyong lingkod.

11Itinuro ninyo sa akin ang landas

patungo sa buháy

na puno ng kasiyahan,

at sa piling nʼyo, aking matatagpuan

ang ligayang walang hanggan.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help