Salmo 111 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 111

1Purihin ang Panginoon!

Buong puso kong pasasalamatan ang Panginoon

sa pagtitipon ng mga matuwid.

2Napakadakila ng mga gawa ng Panginoon;

iniisip ito ng lahat ng nagagalak sa kanyang mga gawa.

3Ang lahat ng kanyang mga gawa

ay nagpapakita ng kanyang kapangyarihan at karangalan.

At ang kanyang katuwiran

ay nagpapatuloy magpakailanman.

4Ipinaaalala niya ang kanyang mga kahanga-hangang gawa.

Siya ay mabuti at mahabagin.

5Binibigyan niya ng pagkain ang mga may takot sa kanya,

at ang kanyang kasunduan sa kanila

ay hindi niya kinakalimutan.

6Ipinakita niya sa kanyang mga mamamayan

ang kapangyarihan ng kanyang mga gawa,

sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila

ng mga lupain ng ibang mga bansa.

7Tapat at matuwid ang lahat niyang ginagawa,

at mapagkakatiwalaan ang lahat niyang mga utos.

8Ang kanyang mga utos

ay mananatili magpakailanman,

at itoʼy ibinigay niya nang buong

katapatan at ayon sa katuwiran.

9Tinubos niya ang kanyang mga mamamayan,

at gumawa siya ng kasunduan na pangwalang hanggan.

Banal siya at kahanga-hanga.

10Ang pagkatakot sa Panginoon

ang simula ng karunungan.

Lahat ng sumusunod sa kanyang mga utos

ay may mabuting pang-unawa.

Purihin siya magpakailanman.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help