Salmo 12 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 12Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David na sinasaliwan ng instrumentong may walong kuwerdas.

1 Panginoon, tulungan po ninyo kami,

dahil wala nang tapat sa inyo,

at wala na ring naninindigan

sa katotohanan.

2Nagsisinungaling sila sa kanilang kapwa.

Nambobola sila upang makapandaya ng iba.

3Patigilin sana ng Panginoon

ang mga nambobola,

at ang mga mayayabang.

4Sinasabi nila,

“Sa pamamagitan ng aming pananalita

ay magtatagumpay kami.

Sasabihin namin ang gusto naming sabihin,

at walang sinumang makakapigil sa amin.”

5Sinabi ng Panginoon,

“Kikilos ako! Nakikita ko ang kaapihan ng mga dukha,

at naririnig ko ang iyakan ng mga naghihirap.

Kayaʼt ibibigay ko sa kanila

ang pinapangarap nilang kaligtasan.”

6Ang pangako ng Panginoon ay purong katotohanan,

gaya ng purong pilak na pitong ulit na nilinis

sa nagliliyab na pugon.

7 Panginoon, nalalaman namin

na kami ay inyong iingatan,

at ilalayo sa masamang henerasyong ito,

magpakailanman.

8Nagkalat ang mga masasamâ,

at pinupuri pa ng lahat

ang kanilang kasuklam-suklam na gawa.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help