Ezekiel 19 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Ang Panaghoy para sa mga Pinuno ng Israel

1“Awitin mo ang panaghoy na ito para sa mga pinuno ng Israel.

2Sabihin mo:

‘Ang iyong ina ay parang isang leon

na inaalagaan ang mga anak niya

kasama ng iba pang mga leon.

3Inalagaan niya ang isa sa mga anak niya,

lumaki ito at naging malakas na leon.

Natuto itong manghuli

at manlapa ng mga tao.

4Nang mabalitaan ito ng ibang bansa,

hinuli nila ito

at dinala sa Ehipto na nakakadena.

5“ ‘Nang malaman ng ina ng leon

na bigo ang pangarap niya

para sa kanyang anak,

pinalaki niya uli ang isa pang anak

at naging malakas na leon din ito.

6Sumama ito sa iba pang mga leon

at natutong manghuli at manlapa ng tao.

7Giniba niya ang mga kampo

ng kanyang mga kaaway

at winasak ang kanilang mga bayan.

Natatakot ang mga mamamayan

kapag naririnig ang atungal niya.

8Kaya nagkaisa ang mga bansa

upang labanan at palibutan siya.

Inilabas nila ang kanilang mga lambat

at siyaʼy nabitag nila sa hukay.

9Gamit ang kawit,

hinila siya sa loob ng hawla,

at dinala sa hari ng Babilonia.

Ikinulong nila ito

upang hindi na marinig

ang pag-atungal nito

sa kabundukan ng Israel.

10“ ‘Ang iyong ina

ay tulad ng isang ubas

na itinanim sa tabi ng tubig.

Nagkaroon ito

ng maraming sanga at bunga

dahil sagana sa tubig.

11Matitibay ang sanga nito

at maaaring gawing setro ng hari.

Mas tumaas pa ang ubas na ito

kaysa sa ibang halaman.

Kitang-kita ito dahil mataas

at maraming sanga.

12Ngunit dahil sa galit, binunot ito

at itinapon sa lupa.

Ang mga bunga nitoʼy natuyo

dahil sa mainit

na hangin mula sa silangan.

Natuyo rin ang matatayog na sanga,

nalaglag at pagkatapos ay nasunog.

13Ngayon, muli itong itinanim sa ilang,

sa lugar na tuyo at walang tubig.

14Isa sa mga sanga nitoʼy nasunog

at kumalat ang apoy

sa iba pang mga sanga

at tinupok ang mga bunga nito.

Kaya wala nang natirang sanga

na maaaring gawing setro ng hari.’

Ang panaghoy na itoʼy dapat awitin ngayon.”

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help