1Kayong mga tao sa buong mundo,
sumigaw kayo nang may kagalakan sa Panginoon!
2Sambahin ninyo nang may kagalakan ang Panginoon.
Lumapit kayo sa kanya na umaawit sa tuwa.
3Kilalanin ninyo na ang Panginoon ang Diyos!
Siya ang lumikha sa atin
at tayoʼy sa kanya.
Tayoʼy kanyang mga tupa
na kanyang inaalagaan sa kanyang pastulan.
4Pumasok kayo sa kanyang Templo
nang may pagpapasalamat at pagpupuri.
Magpasalamat kayo at magpuri sa kanya.
5Dahil mabuti ang Panginoon;
ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan,
at ang kanyang katapatan ay magpakailanman!
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.
