Salmo 76 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 76Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni Asaf. Ginagamitan ng instrumentong may kuwerdas.

1Kilalang-kilala ang Diyos sa Juda,

at sa Israel ay dakila siya.

2Nakatira siya sa bundok ng Zion sa Jerusalem.

3Doon, sinira niya ang mga nagniningas

na palaso ng kaaway,

ang kanilang mga pananggalang, espada

at iba pang kagamitang pandigma.

4O Diyos, makapangyarihan kayo

at higit na dakila

habang bumababa kayo sa bundok

na kung saan pinatay nʼyo

ang inyong mga kaaway.

5Binawi nʼyo sa matatapang na sundalo ang kanilang mga sinamsam.

Silang lahat ay namatay na;

wala nang makakapagbuhat pa

ng kamay sa amin.

6O Diyos ni Jacob, sa inyong sigaw,

ang mga kawal at ang kanilang mga kabayo ay namatay.

7Kaya dapat kayong katakutan.

Sinong makakatagal sa inyong harapan

kapag kayoʼy nagalit?

8Mula sa langit ay humatol kayo.

Ang mga tao sa mundo

ay natakot at tumahimik

9nang humatol kayo, O Diyos,

upang iligtas ang lahat ng inaapi sa daigdig.

10Tiyak na ang galit nʼyo sa mga tao

ay magbibigay ng karangalan sa inyo,

ngunit hindi nʼyo pa lubusang ibinubuhos

ang inyong galit.

11Mangako kayo sa Panginoon

na inyong Diyos at tuparin ito.

Lahat kayong mga bansang nasa paligid,

magdala kayo ng mga regalo sa Diyos

na siyang karapat-dapat katakutan.

12Ibinababa niya ang mapagmataas

na mga pinuno;

kinatatakutan siya ng mga hari

rito sa mundo.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help