Salmo 87 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 87Awit na isinulat ng mga anak ni Kora.

1Itinayo ng Panginoon ang lungsod ng Jerusalem

sa banal na bundok.

2Mahal niya ang lungsod na ito

kaysa sa lahat ng lugar sa Israel.

3Magagandang bagay ang kanyang sinasabi

tungkol sa lungsod na ito.

4Sabi niya, “Kung ililista ko

ang mga bansang

kumikilala sa akin,

isasama ko ang Ehipto, ang Babilonia,

pati na ang Filistia, Tiro at Etiopia.

Ituturing kong tubong Jerusalem

ang kanilang mga mamamayan.”

5Ito nga ang masasabi tungkol sa Zion,

“Ang taong ito at iyon

ay tubong Jerusalem.

At ang Kataas-taasang Diyos

ang siyang magpapatatag

ng lungsod niyang ito.”

6Ililista ng Panginoon ang kanyang

mga mamamayan

at isasama rin niya ang maraming tao

na ituturing niyang mga tubong Jerusalem.

7Silang lahat ay magsisiawit ng,

“Ang lahat ng ating mga pagpapala

ay sa Jerusalem nagmula!”

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help