Salmo 6 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 6Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David na sinasaliwan ng instrumentong may walong kuwerdas.

1O Panginoon, huwag nʼyo po akong sawayin

kapag kayoʼy galit sa akin;

Huwag nʼyo po akong parusahan

kapag kayoʼy napopoot sa akin.

2Akoʼy inyong kahabagan sa aking kahinaan,

at pagalingin ang dumaraing kong kalamnan.

3Akoʼy labis na nababagabag.

Hanggang kailan, O Panginoon,

hanggang kailan ako magiging ganito?

4 Panginoon akoʼy inyong dinggin

at akoʼy sagipin.

Iligtas nʼyo ako sa kamatayan

alang-alang sa pag-ibig nʼyo sa akin.

5Sapagkat ang patay

ay ʼdi ka na maaalala.

Sa mundo ng mga patay

wala nang makakapagpuri pa.

6Akoʼy pagod na sa sobrang pagdaing.

Gabi-gabiʼy basa ng luha

ang aking higaan;

sa pag-iyak koʼy basang-basa

ang aking unan.

7Ang paningin koʼy nanlalabo

dahil sa sobrang lungkot ko;

Ang mga mata koʼy namumugto

dahil sa mga kaaway ko.

8Layuan nʼyo ako,

kayong gumagawa ng masama,

sapagkat dininig na ng Panginoon

ang aking pag-iyak.

9Narinig niya ang paghingi ko ng tulong,

at sasagutin niya ang aking dalangin.

10Mapapahiya at matatakot

ang lahat ng aking kaaway;

Bigla silang tatakas dahil sa sobrang kahihiyan.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help