Mga Bilang 26 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Ang Ikalawang Sensus

1Pagkatapos ng salot, sinabi ng Panginoon kina Moises at Eleazar na anak ng paring si Aaron,

2“Isensus ninyo ang lahat ng mamamayan ng Israel ayon sa kanilang pamilya – lahat ng may edad na dalawampung taon pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo ng Israel.”

3Kaya nakipag-usap sina Moises at ang paring si Eleazar sa mga Israelita roon sa kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan malapit sa Jerico.

4Sinabi niya sa kanila, “Isensus ninyo ang mga taong may edad na dalawampung taon pataas, ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.”

Ito ang mga Israelitang lumabas sa Ehipto:

5Ang mga lipi ni Ruben na panganay na anak ni Jacob

ay ang mga sambahayang mula

sa angkan ni Hanoc,

angkan ni Falu,

6sa angkan ni Hezron

at sa angkan ni Carmi.

7Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Ruben; 43,730 silang lahat.

8Ang anak ni Falu ay si Eliab,

9at ang mga anak ni Eliab ay sina Nemuel, Datan at Abiram. Itong sina Datan at Abiram ay ang mga pinuno ng kapulungan na sumáma kay Kora sa pagrerebelde sa Panginoon sa pamamagitan ng paglaban kina Moises at Aaron.

10Ngunit nilamon sila ng lupa kasama ni Kora, at nasunog ng apoy ang kanyang 250 tagasunod. At naging babala sa mga Israelita ang pangyayaring ito.

11Subalit hindi namatay ang mga anak ni Kora.

12Ang mga lipi ni Simeon ay ang mga sambahayang mula

sa angkan ni Nemuel;

sa angkan ni Jamin;

sa angkan ni Jaquin;

13sa angkan ni Zera;

at sa angkan ni Saul.

14Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Simeon; 22,200 silang lahat.

15Ang mga lipi ni Gad ay ang mga sambahayang mula

sa angkan ni Zefon;

sa angkan ni Hagui;

sa angkan ni Suni;

16sa angkan ni Ozni;

sa angkan ni Eri;

17sa angkan ni Arod;

at sa angkan ni Areli.

18Sila ang mga pamilya na nanggaling kay Gad; 40,500 silang lahat.

19May dalawang anak na lalaki si Juda na sina Er at Onan, na namatay sa lupain ng Canaan.

20Ang mga lipi ni Juda ay ang mga sambahayang mula

sa angkan ni Shela;

sa angkan ni Peres;

at sa angkan ni Zera.

21Ang mga angkan ni Peres

ay ang angkan ni Hezron;

at ang angkan ni Hamul.

22Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Juda; 76,500 silang lahat.

23Ang mga lipi ni Isacar ay ang mga sambahayang mula

sa angkan ni Tola;

sa angkan ni Pua;

24sa angkan ni Jasub;

at sa angkan ni Simron.

25Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Isacar; 64,300 silang lahat.

26Ang mga lipi ni Zebulun ay ang mga sambahayang mula

sa angkan ni Sered;

sa angkan ni Elon;

at sa angkan ni Jahleel.

27Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Zebulun; 60,500 silang lahat.

28Ang mga lipi ni Jose ay nagmula sa mga sambahayan ng dalawa niyang anak na sina Manases at Efraim.

29Ang mga lipi ni Manases ay ang mga sambahayang mula

sa angkan ni Maquir

at sa anak nitong si Gilead.

30Ang mga angkan ni Gilead

ay angkan ni Iezer;

ang angkan ni Helek;

31ang angkan ni Asriel;

ang angkan ni Shekem;

32ang angkan ni Semida;

at ang angkan ni Hefer.

33Ang anak ni Hefer na si Zelofehad ay walang anak na lalaki, ngunit may mga anak siyang babae na sina Mahlah, Noe, Hogla, Milca at Tirza.

34Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Manases; 52,700 silang lahat.

35Ang mga lipi naman ni Efraim ay ang mga sambahayang mula

sa ang angkan ni Sutela;

ang angkan ni Beker;

ang angkan ni Tahan.

36Ang mga angkan ni Sutela

ay ang mga pamilya ni Eran.

37Sila ang mga pamilya na nanggaling kay Efraim; 32,500 silang lahat.

Ito ang mga pamilyang nanggaling kina Manase at Efraim na mga lahi ni Jose.

38Ang mga lipi ni Benjamin ay ang mga sambahayang mula

sa angkan ni Bela;

sa angkan ni Asbel;

sa angkan ni Ahiram;

39sa angkan ni Shufam;

at sa angkan ni Hufam.

40Ang mga angkan ni Bela

ay ang mga pamilya nina Ard

at ang pamilya ni Naaman.

41Sila ang mga pamilya na nanggaling kay Benjamin; 45,600 silang lahat.

42Ang mga lipi ni Dan ay ang mga sambahayang mula

sa angkan ni Shuham.

43Shuhamita ang lahat ng lahi ni Dan; at 64,400 silang lahat.

44Ang mga lipi ni Asher ay ang mga sambahayang mula

sa angkan ni Imna;

sa angkan ni Isvi;

at sa angkan ni Berias.

45Ang mga angkan ni Berias

ay ang angkan ni Heber

at ang angkan ni Malquiel.

46(May anak na babae si Asher na si Sera.)

47Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Asher; 53,400 silang lahat.

48Ang mga lipi ni Neftali ay ang mga sambahayang mula

sa ang angkan ni Jahzeel;

sa angkan ni Guni;

49sa angkan ni Jeser;

at sa angkan ni Silem.

50Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Neftali; 45,400 silang lahat.

51Kaya ang kabuuang bilang ng mga lalaking Israelitang nasensus ay 601,730.

52Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Moises,

53“Hati-hatiin mo sa kanila ang lupa bilang mana nila ayon sa dami ng bawat lahi.

54Ang malaking lahi, bigyan ng mas malaki at ang maliit na lahi bigyan ng maliit.

55-56Ang lupain ay kailangang hatiin sa pamamagitan ng palabunutan para malaman kung aling bahagi ang makukuha ng malaki at maliit na angkan ayon sa sensus.”

57Ito ang mga Levitang nabilang ayon sa kanilang mga angkan:

kay Gerson, ang angkan ng Gersonita;

kay Kohat, ang angkan ng Kohatita;

kay Merari, ang angkan ng Merarita.

58Kabilang din sa mga Levita ang mga sumusunod:

ang angkan ni Libni;

ang angkan ni Hebron;

ang angkan ni Mahli;

ang angkan ni Mushi;

at ang angkan ni Kora.

Si Kohat ang panganay ni Amram;

59at ang asawa ni Amram ay si Jocebed na mula naman sa pamilya ng mga Levita. Ipinanganak si Jocebed sa Ehipto. Sina Amram at Jocebed ang mga magulang nina Aaron, Moises at Miriam.

60Si Aaron ang ama nina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar.

61Ngunit namatay sina Nadab at Abihu nang gumamit sila ng apoy na hindi dapat gamitin sa kanilang paghahandog sa Panginoon.

62Ang bilang ng mga lalaking Levita na may edad na isang buwan pataas ay 23,000. Hindi sila ibinilang sa kabuuang bilang ng mga Israelita dahil wala silang tinanggap sa lupaing minana ng mga Israelita.

63Ito ang lahat ng mga Israelitang sinensus ni Moises at ng paring si Eleazar doon sa kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan malapit sa Jerico.

64Wala ni isang natira sa mga kasama sa naunang sensus na ginawa nina Moises at Aaron sa ilang ng Sinai.

65Sapagkat sinabi noon ng Panginoon sa kanila na tiyak na mamamatay sila doon sa ilang, at walang makakaligtas sa kanila maliban lang kina Caleb na anak ni Jefune at Josue na anak ni Nun.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help