Ezekiel 15 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Jerusalem, ang Walang Kabuluhang Sanga ng Ubas

1Sinabi sa akin ng Panginoon,

2“Anak ng tao, sa anong paraan nakakahigit ang sanga ng ubas sa ibang punongkahoy?

3Ang mga sanga ba nito ay magagamit sa iba pang mga bagay? Maaari ba itong gawing sabitan?

4Hindi! Maaari lang itong gamiting panggatong; ganoon pa man madali itong matutupok.

5Hindi na nila ito magamit noong itoʼy buo pa, mas lalo na ngayong ito sinunog na ng apoy.

6“Ngayon, ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi na ang mga mamamayan ng Jerusalem ay tulad ng baging ng ubas na tumutubong kasama ng mga punongkahoy sa kagubatan. Dahil itoʼy walang kabuluhan, susunugin ko sila.

7Oo, parurusahan ko sila at kahit na makatakas sila sa apoy, tutupukin pa rin sila ng isa pang apoy. At malalaman nila na ako ang Panginoon.

8Gagawin kong tiwangwang ang lugar nila dahil nagtaksil sila sa akin. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help