Salmo 1 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Unang aklat Salmo 1–41Salmo 1

1Pinagpala ang taong hindi namumuhay

ayon sa payo ng masasama

o sumusunod sa maling halimbawa

ng mga makasalanan,

at hindi nakikisama

sa mga taong mapangutya.

2Sa halip ay nagagalak siyang sumunod

sa mga aral mula sa Panginoon,

at kanyang pinagbubulay-bulayan

ang mga ito araw-gabi.

3Siyaʼy katulad ng isang punongkahoy

na itinanim sa tabi ng sapa,

namumunga sa takdang panahon

at hindi nalalanta ang mga dahon.

Magtatagumpay siya

sa anumang gagawin niya.

4Ngunit iba ang mga taong masama;

silaʼy tulad ng ipa

na tinatangay ng hangin.

5Sa araw ng paghatol,

silaʼy parurusahan

at ihihiwalay sa matutuwid.

6Sapagkat pinapatnubayan ng Panginoon

ang matutuwid,

ngunit ang buhay ng taong masama

ay hahantong sa kapahamakan.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help