Salmo 85 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 85Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ng mga anak ni Kora.

1 Panginoon, naging mabuti kayo sa inyong lupain.

Ibinalik nʼyo sa magandang kalagayan ang Israel.

2Pinatawad nʼyo ang kasamaan

ng inyong mga mamamayan;

inalis nʼyo ang lahat

ng aming kasalanan.

3Inalis nʼyo na rin ang inyong

matinding galit sa amin.

4Minsan pa, O Diyos,

na aming Tagapagligtas,

ibalik nʼyo kami sa magandang kalagayan.

Kalimutan nʼyo na ang inyong

galit sa amin.

5Habang buhay na ba kayong

magagalit sa amin,

hanggang sa aming mga salinlahi?

6Hindi nʼyo na ba kami ibabalik

sa magandang kalagayan

upang kami ay magalak sa inyo?

7 Panginoon, ipakita nʼyo sa amin

ang inyong pag-ibig

at kami ay iligtas.

8Pakikinggan ko ang sasabihin ng Panginoong Diyos,

dahil mangangako siya ng kapayapaan sa atin

na kanyang mga tapat na mamamayan;

iyan ay kung hindi na tayo babalik

sa ating mga kamangmangan.

9Tunay na ililigtas niya

ang may takot sa kanya,

upang ipakita na ang kapangyarihan niya

ay mananatili sa ating lupain.

10Ang pag-ibig at katapatan ay magkasama

at ganoon din ang katarungan

at kapayapaan.

11Ang katapatan ng tao sa mundo

ay alam ng Diyos sa langit,

at ang katarungan ng Diyos sa langit

ay matatanggap ng tao sa mundo.

12Tiyak na ibibigay sa atin ng Panginoon ang mabuti

at magkakaroon ng ani

ang ating lupain.

13Ang katarungan ay parang tagapagbalita

na mauunang dumating

upang ihanda ang daan ng Panginoon.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help