Salmo 21 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 21Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.

1 Panginoon, nagagalak ang hari sa kalakasan

na inyong ibinibigay

Labis siyang nasisiyahan sa bigay

ninyong tagumpay.

2Ibinigay nʼyo sa kanya

ang kanyang hinahangad;

hindi nʼyo ipinagkait

ang kanyang kahilingan.

3Tinanggap nʼyo siya,

at pinagkalooban ng masaganang pagpapala.

Pinutungan nʼyo ang ulo niya

ng koronang yari sa purong ginto.

4Hiniling niya sa inyo na dagdagan

ang buhay niya,

at binigyan nʼyo siya ng mahabang buhay

na magpakailanman.

5Dahil sa pagbibigay nʼyo

ng tagumpay sa kanya,

naging tanyag siya at makapangyarihan.

6Sapagkat nagtitiwala siya sa inyo, Panginoon,

pinagpala nʼyo siya ng mga pagpapalang

walang katapusan,

at pinasaya nʼyo siya sa inyong piling.

7At dahil minamahal nʼyo siya nang tapat,

Kataas-taasang Diyos,

hindi siya mabubuwal.

8Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan,

matatalo nʼyo ang lahat nʼyong mga kaaway.

9At kapag kayo ay dumating,

Panginoon,

lilipulin nʼyo sila.

Dahil sa galit nʼyo, siyaʼy tutupukin

na parang dayami

sa naglalagablab na apoy.

10Uubusin nʼyo ang lahat ng mga anak nila

sa buong kalupaan,

upang wala nang magpatuloy

ng kanilang lahi.

11Nagbabalak sila ng masama

laban sa inyo,

ngunit hindi sila magtatagumpay.

12Tatakas sila kapag nakita nilang nakatutok na

sa kanila ang inyong pana.

13 Panginoon, pinupuri namin kayo

dahil sa inyong kalakasan.

Aawit kami ng mga papuri

dahil sa inyong kapangyarihan.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help