Salmo 30 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 30Awit na isinulat ni David para sa pagtatalaga ng Templo.

1 Panginoon, pupurihin ko kayo,

sapagkat akoʼy iniligtas nʼyo.

Hindi nʼyo pinayagang insultuhin ako

ng aking mga kaaway.

2 Panginoon kong Diyos,

humingi ako ng tulong sa inyo,

at pinagaling nʼyo ako.

3Iniligtas nʼyo ako sa kamatayan.

Hindi nʼyo niloob na akoʼy mamatay.

4Umawit kayo ng mga papuri sa Panginoon,

kayong mga tapat sa kanya.

Papurihan ninyo ang kanyang

banal na pangalan.

5Dahil ang kanyang galit ay hindi nagtatagal,

ngunit ang kanyang kabutihan ay magpakailanman.

Maaaring sa gabi ay may pagluha,

pero pagsapit ng umaga ay may ligaya.

6Sa panahon ng aking kaginhawahan

ay aking sinabi,

“Wala akong pangangambahan.”

7Itoʼy dahil sa kabutihan nʼyo, Panginoon.

Pinatatag nʼyo ako tulad

ng isang bundok.

Ngunit nang lumayo kayo sa akin,

ako ay nanlumo.

8Tumawag ako sa inyo, Panginoon,

at nanalangin ng ganito:

9“Ano ang mapapala mo kung akoʼy mamatay?

Makakapagpuri pa ba ang mga patay?

Maipapahayag pa ba nila ang inyong katapatan?

10 Panginoon, pakinggan nʼyo ako

at kahabagan.

Tulungan nʼyo ako, Panginoon!”

11Ang aking kalungkutan ay pinalitan nʼyo

ng sayaw ng kagalakan.

Hinubad nʼyo sa akin ang damit na panluksa,

at binihisan nʼyo ako ng damit ng kagalakan,

12upang hindi ako tumahimik,

sa halip ay umawit ng papuri sa inyo.

Panginoon kong Diyos,

kayo ay aking pasasalamatan magpakailanman.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help