1Nang muling ibinalik ng Panginoon sa Zion
ang mga nabihag,
itoʼy parang panaginip lamang.
2Tayo nooʼy nagtatawanan
at nag-aawitan sa labis na kagalakan.
At sinabi ng ibang mga bansa,
“Napakadakila ng mga bagay
na ginawa ng Panginoon para sa kanila.”
3Totoong ginawan tayo ng dakilang bagay ng Panginoon,
at punong-puno tayo ng kagalakan.
4 Panginoon, muli nʼyo kaming paunlarin,
tulad ng tuyong batis na muling nagkaroon ng tubig.
5Silang nagtatanim na lumuluha
ay mag-aaning tuwang-tuwa.
6Ang umalis na lumuluha,
na may dalang binhi na itatanim
ay babalik na masaya,
na may dala-dalang mga ani.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.
