Salmo 121 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 121Awit na kinakanta ng mga umaakyat sa Jerusalem.

1Napapatanaw ako sa mga bundok;

saan kaya nanggagaling ang aking saklolo?

2Ang tulong para sa akin ay nanggagaling sa Panginoon,

na gumawa ng langit at ng lupa.

3Hindi niya papayagan na ikaw ay mabuwal.

Siyang nag-iingat sa iyo ay hindi natutulog.

4Pakinggan mo ito!

Ang nag-iingat sa mga taga-Israel ay hindi umiidlip o natutulog.

5Ang Panginoon ang nag-iingat sa iyo;

siyaʼy kasama mo upang ikaw ay patnubayan.

6Hindi makakasakit sa iyo ang init ng araw o ang liwanag ng buwan kung gabi.

7Iingatan ka ng Panginoon sa anumang kapahamakan;

pati ang buhay moʼy kanyang iingatan.

8Ang Panginoon ang mag-iingat sa iyo nasaan ka man,

ngayon at magpakailanman.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help