Salmo 24 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 24Awit na isinulat ni David.

1Ang buong mundo at ang lahat ng naririto

ay pag-aari ng Panginoon.

2Itinayo niya ang pundasyon ng mundo

sa kailaliman ng dagat.

3Sino ang karapat-dapat umakyat

sa bundok ng Panginoon?

At sino ang maaaring tumuntong

sa kanyang banal na lugar?

4Makatutuntong ang may matuwid na pamumuhay

at malinis na puso,

ang hindi sumasamba sa mga diyos-diyosan,

at ang hindi sumusumpa ng kasinungalingan.

5Pagpapalain siya at ipapawalang-sala ng Panginoon,

ang Diyos na kanyang Tagapagligtas.

6Iyan ang mga taong makakalapit

at sasamba sa Diyos ni Jacob.

7Buksan ninyo nang maluwang

ang mga lumang pintuan ng Templo

upang makapasok ang haring makapangyarihan!

8Sino ang haring makapangyarihan?

Siya ang Panginoong malakas

at matatag sa pakikipaglaban.

9Buksan ninyo nang maluwang

ang mga lumang pintuan ng Templo

upang makapasok ang haring makapangyarihan!

10Sino ang dakilang Hari?

Ang Panginoon ng mga Hukbo;

Siya ang dakilang Hari!

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help