Salmo 101 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 101Awit na isinulat ni David.

1 Panginoon, aawit ako ng tungkol

sa inyong pag-ibig at katarungan.

Aawit ako ng mga papuri

sa inyo.

2Mamumuhay ako nang walang kapintasan.

Kailan nʼyo ako lalapitan?

Mamumuhay ako nang matuwid sa aking tahanan.

3Hindi ko hahayaan ang anumang kasamaan.

Namumuhi ako sa mga ginagawa ng mga taong

tumatalikod sa Diyos,

at hindi ako makikibahagi

sa kanilang ginagawa.

4Lalayo ako sa mga taong baluktot ang pag-iisip;

hindi ako sasali sa kanilang

ginagawang kasamaan.

5Sinumang lihim na naninira

sa kanyang kapwa

ay aking wawasakin.

Ang mga hambog at mapagmataas

ay hindi ko palalagpasin.

6Ipapadama ko ang aking kabutihan

sa aking mga kababayan na tapat

at namumuhay nang matuwid;

silaʼy magiging kasama ko

at papayagan kong maglingkod sa akin.

7Ang mga mandaraya at mga sinungaling

ay hindi ko papayagang tumahan sa aking palasyo.

8Bawat araw ay lilipulin ko

ang mga taong masama;

mawawala sila sa bayan ng Panginoon.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help