Salmo 61 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 61Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David na sinasaliwan ng instrumentong may kuwerdas.

1O Diyos, pakinggan nʼyo ang aking panawagan.

Dinggin nʼyo ang aking dalangin.

2Mula sa dulo ng mundo,

akoʼy tumatawag sa inyo

dahil nawalan na ako ng pag-asa.

Dalhin ninyo ako sa lugar na ligtas sa panganib,

3dahil kayo ang aking kanlungan,

tulad kayo ng isang toreng matibay

na pananggalang

laban sa kaaway.

4Hayaan po ninyong akoʼy manatili

sa inyong Templo, magpakailanman.

Kayo ang aking kanlungan,

akoʼy inyong iniingatan.

5Dahil napakinggan ninyo, O Diyos,

ang aking mga pangako

at binigyan nʼyo ako ng mga bagay

na ibinibigay nʼyo sa mga may takot sa inyo.

6Pahabain nʼyo ang buhay ng hari

at paghariin nʼyo siya sa mahabang panahon

sa pamamagitan ng kanyang mga lahi.

7Sanaʼy maghari siya magpakailanman

na kasama ninyo, O Diyos.

Ingatan ninyo siya

dahil sa inyong pag-ibig at katapatan.

8At akoʼy palaging aawit

ng papuri sa inyo,

at tutuparin kong lagi

ang aking mga pangako sa inyo.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help