Salmo 113 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 113

1Purihin nʼyo ang Panginoon!

Kayong mga lingkod ng Panginoon,

purihin nʼyo ang pangalan ng Panginoon.

2Purihin nʼyo ang Panginoon,

ngayon at magpakailanman.

3Mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw,

ang pangalan ng Panginoon

ay dapat papurihan.

4Maghahari ang Panginoon sa lahat ng bansa,

ang kanyang kaluwalhatian

ay hindi mapapantayan.

5Walang katulad ang Panginoon na ating Diyos,

na nakaupo sa kanyang trono sa itaas.

6Yumuyuko siya upang tingnan

ang kalangitan at ang sanlibutan.

7Tinutulungan niya ang mga dukha

at nangangailangan sa kanilang kagipitan.

8At silaʼy pinararangalang kasama ng mararangal na tao

mula sa kanyang mga mamamayan.

9Pinaliligaya niya ang baog na babae

sa tahanan nito,

sa pamamagitan ng pagbibigay

sa kanya ng mga anak.

Purihin ninyo ang Panginoon!

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help