Salmo 62 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 62Para kay Jedutun, ang direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.

1Sa Diyos lang ako may kapahingahan;

Ang kaligtasan koʼy nagmumula sa kanya.

2Siya lang ang aking batong kanlungan

at kaligtasan.

Siya ang aking tanggulan,

kaya ligtas ako sa kapahamakan.

3Kayong mga kaaway ko,

hanggang kailan kayo sasalakay

upang akoʼy patayin?

Tulad koʼy pader

na malapit nang magiba

at bakod na malapit nang matumba.

4Gusto lamang ninyong maalis ako

sa aking mataas na katungkulan.

Tuwang-tuwa kayo sa pagsisinungaling.

Kunwariʼy pinupuri ninyo ako

ngunit sa puso ninyoʼy isinusumpa ako.

5Sa Diyos ko lang matatamo

ang kapahingahan

dahil binibigyan niya ako ng pag-asa.

6Siya lang ang aking batong kanlungan

at kaligtasan.

Siya ang aking tanggulan

kaya ligtas ako sa kapahamakan.

7Nasa Diyos ang aking kaligtasan

at karangalan.

Siya ang matibay kong batong kanlungan.

Siya ang nag-iingat sa akin.

8Kayong mga mamamayan ng Diyos,

magtiwala kayo sa kanya

sa lahat ng oras!

Sabihin sa kanya ang lahat

ng inyong suliranin,

dahil siya ang ating kanlungan.

9Ang tao, dakila man o mangmang

ay hindi mapagkakatiwalaan.

Pareho lang silang walang kabuluhan.

Magaan pa sila kaysa sa hangin

kapag tinimbang.

10Huwag kayong umasa sa perang nakuha

sa pangingikil at pagnanakaw.

Dumami man ang inyong kayamanan,

huwag ninyo itong mahalin.

11Hindi lang isang beses kong narinig

na sinabi ng Diyos na nasa kanya

ang kapangyarihan

12at tapat ang kanyang pag-ibig.

Tiyak na gagantimpalaan ng Panginoon

ang tao ayon sa kanyang mga ginawa.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help