1 Mga Cronica 25 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Ang mga Musikero

1Pumili si David at ang mga kumander ng mga sundalo mula sa mga anak ni Asaf, Heman at Jedutun upang ipahayag ang mensahe ng Diyos na tinutugtugan ng mga alpa, lira at pompyang. Ito ang talaan ng mga pangalan nila at gawain:

2Mula sa mga lalaking anak ni Asaf ay sina Zacur, Jose, Netanias at Asarela. Naglingkod sila sa ilalim ng pamamahala ng kanilang ama. Si Asaf ang nagpapahayag ng mensahe ng Diyos kung ipinag-uutos ito ng hari.

3Mula sa mga lalaking anak ni Jedutun ay sina Gedalias, Zeri, Jesaias, Hashabias, Matitias at Simei, anim silang lahat. Naglingkod din sila sa ilalim ng pamamahala ng ama nilang si Jedutun, na nagpahayag ng mensahe ng Diyos na tinutugtugan ng alpa, na may pasasalamat at papuri sa Panginoon.

4Mula sa mga lalaking anak ni Heman ay sina Bukias, Matanias, Uziel, Sebuel, Jerimot, Hananias, Hanani, Eliata, Gidalti, Romamti-ezer, Josbecasa, Maloti, Hotir at Mahaziot.

5Silang lahat ang mga lalaking anak ni Heman na propeta ng hari. Pinarangalan siya ng Diyos sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng labing-apat na anak na lalaki at tatlong anak na babae, ayon sa ipinangako ng Diyos sa kanya.

6Ang lahat ng mga lalaking ito ay pinamahalaan ng kanilang ama sa pagtugtog nila ng mga pompyang, lira at alpa bilang paglilingkod sa bahay ng Panginoon. Sina Asaf, Jedutun at Heman ay nasa ilalim ng pamamahala ng hari.

7Sila at ang mga kamag-anak nila, na 288 lahat ay mahuhusay na musikero para sa Panginoon.

8Nagpalabunutan sila upang malaman ang kanya-kanyang tungkulin, bata man o matanda, guro man o mag-aaral.

9Ang unang nabunot sa pamilya ni Asaf ay si Jose at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak, labindalawa sila.

Ang ikalawa ay si Gedalias at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.

10Ang ikatlo ay si Zacur at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.

11Ang ikaapat ay si Zeri at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.

12Ang ikalima ay si Netanias at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.

13Ang ikaanim ay si Bukias at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.

14Ang ikapito ay si Jesarela at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.

15Ang ikawalo ay si Jesaias at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.

16Ang ikasiyam ay si Matanias at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.

17Ang ikasampu ay si Simei at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.

18Ang ikalabing-isa ay si Azarel at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.

19Ang ikalabindalawa ay si Hashabias at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.

20Ang ikalabintatlo ay si Sebuel at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.

21Ang ikalabing-apat ay si Matitias at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.

22Ang ikalabinlima ay si Jerimot at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.

23Ang ikalabing-anim ay si Hananias at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.

24Ang ikalabimpito ay si Josbecasa at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.

25Ang ikalabingwalo ay si Hanani at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.

26Ang ikalabinsiyam ay si Maloti at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.

27Ang ikadalawampu ay si Eliata at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.

28Ang ikadalawampuʼt isa ay si Hotir at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.

29Ang ikadalawampuʼt dalawa ay si Gidalti at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.

30Ang ikadalawampuʼt tatlo ay si Mahaziot at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.

31Ang ikadalawampuʼt apat ay si Romamti-ezer at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help