Salmo 15 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 15Awit na isinulat ni David.

1 Panginoon, sino ang maaaring tumira

sa inyong banal na Tolda?

Sino ang karapat-dapat na tumira

sa inyong Banal na Bundok?

2Sumagot ang Panginoon,

“Ang taong

namumuhay ng tama,

walang kapintasan at taos-pusong nagsasabi

ng katotohanan,

3hindi naninirang puri,

at hindi nagsasalita

at gumagawa ng masama

laban sa kanyang kapwa.

4Itinatakwil niya ang mga taong ubod ng sama,

ngunit pinararangalan niya

ang mga taong may takot sa Diyos.

Tinutupad niya ang kanyang ipinangako

kahit na mahirap gawin.

5Hindi nagpapatubo sa kanyang mga pautang,

at hindi tumatanggap ng suhol

upang sumaksi laban sa taong

walang kasalanan.”

Ang taong gumagawa ng ganito

ay hindi matitinag kailanman.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help