Isaias 4 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

1Sa mga araw na iyon, pitong babae

ang mag-aagawan sa iisang lalaki

at sasabihin nila,

“Kami na ang bahala sa pagkain

at damit namin,

pakasalan mo lang kami

upang hindi kami maging kahiya-hiya

dahil wala kaming asawa.”

Muling Itatayo ang Jerusalem

2Darating ang araw na pasasaganain at pagagandahin ng Panginoon ang mga pananim sa Israel, at ang mga ani ng lupain ay magiging karangalan at kaligayahan ng natitirang mga tao sa Jerusalem.

3Tatawaging banal ang mga natirang buháy sa Zion, lahat ng nakatalang nabubuhay sa lungsod ng Jerusalem.

4Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Panginoon, hahatulan niya at lilinisin ang kasamaan ng mga babae sa Jerusalem at ang mga patayan doon.

5Pagkatapos, lilikha ang Panginoon ng ulap na lililim sa Jerusalem at sa mga nagtitipon doon kung araw at nagniningas na apoy naman kung gabi. Sa ibabaw ng lahat ng ito, ang kaluwalhatian ng Panginoon ay parang isang malapad na tolda,

6at parang kubol kapag araw na magsisilbing lilim sa init at kublihan sa panahon ng bagyo at ulan.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help