Salmo 4 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 4Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David na sinasaliwan ng mga instrumentong may kuwerdas.

1Ang panawagan koʼy iyong dinggin,

O Diyos na nagtatanggol sa akin.

Akoʼy bigyang kaginhawahan

sa panahon ng aking kagipitan.

Akoʼy inyong kahabagan,

panalangin ko ay pakinggan.

2Kayong mga tao,

kailan kayo titigil sa paninirang-puri sa akin?

Hanggang kailan ninyo iibigin

ang mga bagay na walang kabuluhan

at susundin ang mga bulaan?

3Tandaan ninyo:

Ibinukod ng Panginoon ang kanyang mga hinirang.

Kapag akoʼy tumawag sa kanya,

akoʼy pakikinggan niya.

4Kapag kayoʼy nagagalit,

huwag kayong magkakasala.

Magbulay-bulay nang may katahimikan

habang kayoʼy nakahiga sa higaan.

5Ialay sa Panginoon ang mga nararapat na handog

at magtiwala sa kanya.

6Marami ang nagsasabi,

“Sino ang magpapakita sa atin ng mabuti?”

Panginoon, ipakita po ninyo sa amin

ang inyong kabutihan!

7Labis na kagalakan ang inyong ibinigay sa akin,

higit pa sa kanila na sagana sa pagkain at inumin.

8Sa aking pagtulog, panatag ang aking loob,

sapagkat kayo, Panginoon, ang nakabantay sa akin.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help