1At dumating ang Apoc. 21:9. isa sa Apoc. 15:1. pitong anghel na may pitong mangkok, at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Pumarito ka, ipakikita ko sa iyo ang hatol sa Nah. 3:4; Apoc. 19:2. bantog na patutot Jer. 51:13. na nakaupo sa maraming tubig;
2Na siyang pinakiapiran Apoc. 18:3. ng mga hari sa lupa, at Apoc. 14:8. ang mga nananahan sa lupa ay nalasing sa alak ng kaniyang pakikiapid.
3At ako'y kaniyang dinalang Apoc. 1:10; 21:10. nasa Espiritu sa isang ilang: at nakita ko ang isang babae na nakasakay sa isang hayop na pula, na puno ng mga Apoc. 13:1. pangalang pamumusong, na may pitong ulo at sangpung sungay.
4At nararamtan ang babae ng kulay-ube at ng pula, Dan. 11:38. at nahihiyasan ng ginto at ng mga mahalagang bato at mga perlas, na sa kaniyang kamay ay Jer. 51:7. may isang sarong ginto na puno ng mga kasuklamsuklam, at ng mga bagay na marurumi ng kaniyang pakikiapid,
5At sa kaniyang noo ay nakasulat ang isang pangalan, 2 Tes. 2:7. HIWAGA, DAKILANG BABILONIA, INA NG MGA PATUTOT AT NG MGA KASUKLAMSUKLAM SA LUPA.
6At nakita ko Apoc. 18:24. ang babae na lasing sa dugo ng mga banal, at sa dugo ng Apoc. 2:13. mga martir ni Jesus. At nang aking makita siya ay nanggilalas ako ng malaking panggigilalas.
7At sinabi sa akin ng anghel, Bakit ka nanggilalas? Sasabihin ko sa iyo ang hiwaga ng babae, at ng hayop na sinasakyan niya, na may pitong ulo at sangpung sungay.
8At ang hayop na nakita mo ay naging siya, at wala na; at Apoc. 11:7. malapit ng umahon sa Apoc. 9:1. kalaliman, at patungo sa kapahamakan. At silang mga nananahan sa lupa ay manggigilalas Apoc. 13:8. na ang kanilang pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay mula nang itatag ang sanglibutan, pagkakita nila sa hayop, kung paano naging siya at wala na, at darating.
9 Apoc. 13:18. Narito ang pagiisip na may karunungan. Apoc. 13:1. Ang pitong ulo ay pitong bundok na kinauupuan ng babae:
10At sila'y pitong hari; ang lima ay nanga buwal, ang isa'y narito, ang isa ay hindi pa dumarating; at pagdating niya ay dapat magtagal na sangdaling panahon.
11At ang hayop na naging siya, at wala na, ay siya ring ikawalo at siya'y sa pito at siya'y patungo sa kapahamakan.
12At ang sangpung sungay Dan. 7:7, 20; Zac. 1:18. na iyong nakita ay sangpung hari, na hindi pa nagsisitanggap ng kaharian; datapuwa't magsisitanggap sila ng kapamahalaang paghahari na isang oras na kasama ng hayop.
13Ang mga ito ay may isang kaisipan, at ibinibigay nila ang kanilang kapangyarihan at kapamahalaan sa hayop.
14 Apoc. 16:14. Makikipagbaka ang mga ito laban sa Cordero, at sila'y dadaigin Apoc. 3:21. ng Cordero, Apoc. 14:4. sapagka't siya'y Panginoon ng mga panginoon at Apoc. 19:16. Hari ng mga Hari; at ng Dan. 2:47. mga kasama niya, na mga tinawag at mga pili at mga tapat ay nananaig din.
15At sinabi niya sa akin, tal. 1; Is. 8:7. Ang tubig na iyong nakita, na kinauupuan ng patutot, ay mga bayan, at mga karamihan, at mga bansa, at mga wika.
16At tal. 12. ang sangpung sungay na iyong nakita, at ang hayop, ay siyang nangapopoot sa patutot, at siya'y pababayaan Ezek. 16:37, 39. at huhubaran, at Apoc. 19:18. kakanin ang kaniyang laman, at Apoc. 18:8. siya'y lubos na susupukin ng apoy.
17Sapagka't inilagay ng 2 Tes. 2:11. Dios sa kanilang mga puso na gawin ang kaniyang kaisipan, at mangagkaisa ng kaisipan, at ibigay ang kanilang kaharian sa hayop, Apoc. 10:7. hanggang sa maganap ang mga salita ng Dios.
18At ang babae na iyong nakita Apoc. 14:8. ay ang dakilang bayan, na naghahari sa mga hari sa lupa.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.