MATEO 18 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

1Nang oras na

12Ano ang akala ninyo? Mat. 10:6. kung ang isang tao ay may isang daang tupa, at maligaw ang isa sa mga yaon, hindi baga iiwan niya ang siyam na pu't siyam, at pasasa kabundukan, at hahanapin ang naligaw?

13At kung mangyaring masumpungan niya, ay katotohanang sinasabi ko sa inyo, na magagalak ng higit dahil dito kay sa siyam na pu't siyam na hindi nangaligaw.

14Gayon din na hindi nga kalooban ng inyong Amang nasa langit, na ang isa sa maliliit na ito ay mapahamak.

15At Luc. 17:3. kung magkasala laban sa iyo ang kapatid mo, pumaroon ka, at ipakilala mo sa kaniya ang kaniyang kasalanan na ikaw at siyang magisa: kung ikaw ay pakinggan niya, ay 1 Cor. 9:19-22. nagwagi ka sa iyong kapatid.

16Datapuwa't kung hindi ka niya pakinggan, ay magsama ka pa ng isa o dalawa, upang Deut. 19:15. sa bibig ng dalawang saksi o tatlo ay mapagtibay ang bawa't salita.

17At kung ayaw niyang pakinggan sila, ay sabihin mo sa Mat. 16:18; 1 Cor. 5:4, 5; 6:1-6. iglesia: at kung ayaw rin niyang pakinggan ang iglesia, ay Rom. 16:17; 1 Cor. 5:9; 2 Tes. 3:6, 14; 2 Juan 10. ipalagay mo siyang tulad sa Gentil at Mat. 5:46, 47; 9:10, 11. maniningil ng buwis.

18Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na Mat. 16:19. ang lahat ng mga bagay na inyong talian sa lupa ay tatalian sa langit: at ang lahat ng mga bagay na inyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.

19Muling sinasabi ko sa inyo, na kung pagkasunduan ng dalawa sa inyo sa lupa ang nauukol sa anomang bagay na kanilang hihingin, ay gagawin Mat. 7:7; 1 Juan 5:14. sa kanila ng aking Ama na nasa langit.

20Sapagka't kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa aking pangalan, ay naroroon ako sa gitna nila.

21Nang magkagayo'y lumapit si Pedro at sinabi sa kaniya, Panginoon, tal. 15. makailang magkakasala ang aking kapatid laban sa akin na siya'y aking patatawarin? Luc. 17:4. hanggang sa makapito?

22Sinabi sa kaniya ni Jesus, Hindi ko sinasabi sa iyo, Hanggang sa makapito; Mat. 6:14. kundi, Hanggang sa makapitongpung pito.

23Kaya't ang kaharian ng langit ay tulad sa isang hari, na nagibig na makipagusap sa kaniyang mga alipin.

24At nang siya'y magpasimulang makipaghusay, ay iniharap sa kaniya ang isa sa kaniya'y may utang na sangpung libong talento.

25Datapuwa't palibhasa'y wala siyang sukat ibayad, ipinagutos Lev. 25:39. ng kaniyang panginoon na siya'y ipagbili, at ang kaniyang asawa't Neh. 5:5. mga anak, at ang lahat niyang tinatangkilik, at nang makabayad.

26Dahil dito ang alipin ay nagpatirapa at sumamba sa kaniya, na nagsasabi, Panginoon, pagtiisan mo ako, at pagbabayaran ko sa iyong lahat.

27At sa habag ng panginoon sa aliping yaon, ay pinawalan siya, at ipinatawad sa kaniya ang utang.

28Datapuwa't lumabas ang aliping yaon, at nasumpungan ang isa sa mga kapuwa niya alipin, na sa kaniya'y may utang na isang daang Mat. 20:2; 22:19. denario: at kaniyang hinawakan siya, at sinakal niya, na sinasabi, Bayaran mo ang utang mo.

29Kaya't nagpatirapa ang kaniyang kapuwa alipin at namanhik sa kaniya, na nagsasabi, Pagtiisan mo ako, at ikaw ay pagbabayaran ko.

30At siya'y ayaw: at yumaon at siya'y ipinabilanggo hanggang sa magbayad siya ng utang.

31Nang makita nga ng kaniyang mga kapuwa alipin ang nangyari, ay nangamanglaw silang lubha, at nagsiparoon at isinaysay sa kanilang panginoon ang lahat ng nangyari.

32Nang magkagayo'y pinalapit siya ng kaniyang panginoon, at sa kaniya'y sinabi, Ikaw na aliping masama, ipinatawad ko sa iyo ang lahat ng utang na yaon, sapagka't ipinamanhik mo sa akin:

33Hindi baga dapat na ikaw naman ay mahabag sa iyong kapuwa alipin, na gaya ko namang nahabag sa iyo?

34At nagalit ang kaniyang panginoon, at ibinigay siya sa mga tagapagpahirap, hanggang sa siya'y magbayad ng lahat ng utang.

35Gayon din naman ang gagawin Mar. 11:26; Sant. 2:13. sa inyo ng aking Ama na nasa kalangitan, kung hindi ninyo patatawarin sa inyong mga puso, ng bawa't isa ang kaniyang kapatid.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help