MGA AWIT 43 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Panalangin sa pagliligtas.

1Hatulan mo ako, Awit 26:1. Oh Dios, at Awit 35:1. ipagsanggalang mo ang aking usap laban sa masamang bansa:

Oh iligtas mo ako sa magdaraya at hindi ganap na tao.

2Sapagka't ikaw ang Dios ng aking kalakasan; bakit mo ako Awit 44:9. itinakuwil?

Awit 42:9. Bakit ako yumayaong tumatangis dahil sa pagpighati ng kaaway?

3 Awit 40:11; 57:3. Oh suguin mo ang iyong liwanag at ang iyong katotohanan; patnubayan nawa nila ako:

Dalhin nawa nila ako sa Awit 2:6; 84:1. iyong banal na bundok.

At sa iyong mga tabernakulo.

4Kung magkagayo'y paparoon ako sa dambana ng Dios,

Sa Dios na aking malabis na kagalakan:

At sa alpa ay pupuri ako sa iyo, Oh Dios, aking Dios.

5 Awit 42:5. Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko?

At bakit ka nababagabag sa loob ko?

Umasa ka sa Dios: sapagka't pupuri pa ako sa kaniya,

Na siyang kagalingan ng aking mukha, at aking Dios.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help