MGA AWIT 137 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Mga kalungkutan ng mga bihag sa Babilonia.

1Sa tabi ng mga ilog ng Babilonia,

Doo'y nangaupo tayo, oo, nagiyak tayo,

Nang ating maalaala ang Sion.

2Sa mga punong sauce sa gitna niyaon

Ating ibinitin ang ating mga alpa.

3Sapagka't doo'y silang nagsibihag sa atin ay nagsihiling sa atin ng mga awit,

At silang magpapahamak sa atin ay nagsihiling sa atin ng kasayahan, na nangagsasabi:

Awitin ninyo sa amin ang sa mga awit ng Sion.

4 Neh. 2:3. Paanong aawitin namin ang awit sa Panginoon

Sa ibang lupain?

5Kung kalimutan kita, Oh Jerusalem,

Kalimutan nawa ng aking kanan ang kaniyang kasanayan.

6Dumikit nawa ang Job 29:10. aking dila sa ngalangala ng aking bibig,

Kung hindi kita alalahanin;

Kung hindi ko piliin ang Jerusalem

Ng higit sa aking pinakapangulong kagalakan.

7Alalahanin mo Oh Panginoon, laban Jer. 49:7-22; Ex. 25:12-14; Oba. 10-14. sa mga anak ni Edom

Ang kaarawan ng Jerusalem;

Na nagsabi, Sirain, sirain,

Pati ng patibayan niyaon.

8Oh anak na babae ng Babilonia, na Is. 13:1-22; Jer. 25:12. sira;

Magiging mapalad siya, Jer. 50:15, 29. na gumaganti sa iyo

Na gaya ng iyong ginawa sa amin.

9Magiging mapalad siya, na kukuha at maghahagis sa iyong mga bata

Sa malaking bato.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help