MGA BILANG 12 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Si Miriam ay nagkaketong.

1At si Miriam at si Aaron ay nagsalitaan laban kay Moises tungkol sa pagkapagasawa niya sa isang babaing Cusita: sapagka't Ex. 2:21.siya'y nag-asawa sa isang babaing Cusita.

2At kanilang sinabi, Ang Panginoon ba'y kay Moises lamang nakipagsalitaan? Ex. 15:20; Mik. 6:4.hindi ba nakipagsalitaan din naman sa atin? At Gen. 29:33; Blg. 11:1; 2 Hari 19:4; Is. 37:4; Ezek. 35:12, 13.narinig ng Panginoon.

3Ang lalake ngang si Moises ay totoong maamong loob, na higit kay sa lahat ng lalaking nasa ibabaw ng lupa.

4 Awit 76:9. At sinalita agad ng Panginoon kay Moises, at kay Aaron, at kay Miriam, Lumabas kayong tatlo sa tabernakulo ng kapisanan. At silang tatlo ay lumabas.

5 Blg. 11:25; 16:19. At ang Panginoon ay bumaba sa isang tila haliging ulap, at tumayo sa pintuan ng Tolda, at tinawag si Aaron at si Miriam: at sila'y kapuwa lumabas.

6At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo ngayon ang aking mga salita: kung mayroon sa gitna ninyo na isang propeta, akong Panginoon ay pakikilala sa kaniya Gen. 46:2; Ezek. 1:1; Dan. 10:8, 16; Luc. 1:11, 22; Gawa 10:11, 17; 22:17-18.sa pangitain, na kakausapin ko siya sa Gen. 31:10-11; 1 Hari 3:5; Mat. 1:20.panaginip.

7 Awit 105:26. Ang aking lingkod na si Moises ay hindi gayon; siya'y tapat sa 1 Tim. 3:15; Heb. 3:2, 5.aking buong buhay:

8 Ex. 33:11; Deut. 34:10. Sa kaniya'y makikipagusap ako ng bibig, sa bibig, ng maliwanag, at hindi sa malabong salitaan; at ang Awit 49:4; 78:2.anyo ng Panginoon ay kaniyang Ex. 33:19.makikita: bakit nga hindi kayo natakot na magsalita laban sa aking lingkod, laban kay Moises?

9At ang galit ng Panginoon ay nagningas laban sa kanila; at siya'y umalis.

10At ang ulap ay lumayo sa Tolda; at Deut. 24:9.narito, si Miriam ay 2 Hari 5:27; 15:5.nagkaketong, na pumuting gaya ng niebe; at tiningnan ni Aaron si Miriam, at narito, siya'y nagkaketong.

11At sinabi ni Aaron kay Moises, Oh panginoon ko, isinasamo ko sa iyo na 2 Sam. 19:19.huwag mong iparatang ang kasalanan sa amin, sapagka't ginawa namin na may kamangmangan, at sapagka't kami ay nagkasala.

12Huwag mong itulot sa kaniya, isinasamo ko sa iyo, na maging parang isang patay na tunaw ang kalahati ng kaniyang laman paglabas sa tiyan ng kaniyang ina.

13At humibik si Moises sa Panginoon, na sinasabi, Pagalingin mo siya, Oh Dios, ipinamamanhik ko sa iyo.

14At sinabi ng Panginoon kay Moises, Kung siya'y Deut. 25:9.niluran ng kaniyang ama sa kaniyang mukha, hindi ba siya mahihiyang pitong araw? Lev. 13:46.kulungin siyang pitong araw sa labas ng kampamento, at pagkatapos ay madadala siyang muli sa loob.

15 2 Cron. 26:20-21. At si Miriam ay kinulong na pitong araw sa labas ng kampamento: at ang bayan ay hindi naglakbay hanggang si Miriam ay nadalang muli sa loob.

16At pagkatapos nito ay naglakbay ang bayan mula sa Blg. 11:35; 33:18.Haseroth, at humantong sa ilang ng Paran.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help