ISAIAS 55 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Ang walang bayad na kahabagan sa lahat.

1Oh lahat Juan 7:37. na nangauuhaw, magsiparito kayo sa tubig at siyang walang salapi; magsiparito kayo, kayo'y magsibili, at magsikain; oo, kayo'y magsiparito, kayo'y magsibili ng alak at gatas Mat. 10:8. ng walang salapi at walang bayad.

2 Juan 6:27. Ano't kayo'y nangaggugugol ng salapi sa hindi pagkain? at ng inyong gawa sa hindi nakabubusog? inyong pakinggan ako, at magsikain kayo ng mabuti, at mangalugod kayo sa katabaan.

3Inyong ikiling ang inyong tainga, at Mat. 11:28. magsiparito kayo sa akin; kayo'y magsipakinig, at ang inyong kaluluwa ay mabubuhay: at ako'y Is. 61:8. makikipagtipan sa inyo ng walang hanggan, sa makatuwid baga'y ng tunay Awit 89:1, 28, 49. na mga kaawaan ni David.

4Narito, ibinigay ko siya na Juan 18:37; Apoc. 1:5. pinakasaksi sa mga bayan, na patnubay at tagapagutos sa mga bayan.

5Narito, ikaw ay tatawag ng bansa Is. 52:15; Ef. 2:11, 12. na hindi mo nakikilala; at bansa na hindi ka nakikilala ay tatakbo sa iyo, dahil sa Panginoon mong Dios, at dahil sa Banal ng Israel; Is. 60:9. sapagka't kaniyang niluwalhati ka.

6 Mat. 5:25; Luc. 13:25; Juan 7:34; 2 Cor. 6:2; Heb. 2:13. Inyong hanapin ang Panginoon samantalang siya'y masusumpungan, magsitawag kayo sa kaniya samantalang siya'y malapit:

7Lisanin ng masama ang kaniyang lakad, at ng liko ang kaniyang mga pagiisip; at manumbalik siya sa Panginoon, at kaaawaan niya siya; at sa aming Dios, sapagka't Awit 130:7. siya'y magpapatawad ng sagana.

8Sapagka't ang aking mga pagiisip ay hindi ninyo mga pagiisip, o ang inyo mang mga lakad ay aking mga lakad, sabi ng Panginoon.

9Sapagka't kung paanong ang langit ay lalong mataas Awit 103:11. kay sa lupa, gayon ang aking mga lakad ay lalong mataas kay sa inyong mga lakad, at ang aking mga pagiisip kay sa inyong mga pagiisip.

10Sapagka't Deut. 32:2. kung paanong ang ulan ay lumalagpak at ang niebe ay mula sa langit, at hindi bumabalik doon, kundi dinidilig ang lupa, at pinasisibulan at pinatutubuan ng halaman, at nagbibigay ng 2 Cor. 9:10. binhi sa maghahasik at pagkain sa mangangain;

11Magiging gayon ang aking salita Is. 54:9. na lumalabas sa bibig ko: hindi babalik sa akin na walang bunga, kundi gaganap ng kinalulugdan ko, at giginhawa sa bagay na aking pinagsuguan.

12Sapagka't kayo'y magsisilabas na may kagalakan, at papatnubayang may kapayapaan: ang mga bundok at ang mga burol ay Is. 35:10. magsisibulas ng pagawit sa harap ninyo, at ipapakpak ng lahat Awit 98:8. na punong kahoy sa parang ang kanilang mga kamay.

13Kahalili ng Is. 41:9. tinik ay tutubo ang puno ng abeto; at kahalili ng dawag ay tutubo ang arayan: at sa Panginoon ay magiging Jer. 13:1. pinaka pangalan, pinaka walang hanggang tanda na hindi mapaparam.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help