ANG AWIT NG MGA AWIT 7 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Pagpupurihan ng magkasuyong babae at lalake.

1Pagkaganda ng iyong mga paa sa mga panyapak, Awit 45:13. Oh anak na babae ng pangulo!

Ang mga pagkakaugpong ng iyong mga hita ay gaya ng mga hiyas,

Na gawa ng mga kamay ng bihasang manggagawa.

2Ang iyong katawan ay gaya ng mabilog na tasa,

Na hindi pinagkukulangan ng alak na may halo:

Ang iyong tiyan ay gaya ng bunton ng trigo

Na nalalagay sa palibot ng mga A. ng A. 2:1. lila.

3Ang iyong dalawang suso ay A. ng A. 4:5. gaya ng dalawang batang usa

Na mga kambal na usa.

4Ang iyong leeg ay A. ng A. 4:4. gaya ng moog na garing;

Ang iyong mga mata ay gaya ng mga lawa sa Blg. 21:26. Hesbon

Sa siping ng pintuang-bayan ng Batrabbim;

Ang iyong ilong ay gaya ng moog ng Libano

Na nakaharap sa Damasco.

5Ang iyong ulo sa iyo ay gaya ng Carmelo,

At ang buhok ng iyong ulo ay gaya ng kulay ube;

Ang hari ay nabibihag sa mga kinulot niyaon.

6Pagkaganda at pagkaligaya mo, Oh sinta, sa mga kaluguran!

7Itong iyong tayo ay parang puno ng palma,

At ang iyong mga suso ay sa mga buwig ng mga ubas.

8Aking sinabi, Ako'y aakyat sa puno ng palma,

Ako'y hahawak sa mga sanga niyaon;

Ang iyong mga suso ay maging gaya ng mga buwig ng puno ng ubas,

At ang amoy ng iyong hinga ay gaya ng mga mansanas;

9At ang iyong bibig ay gaya ng pinakamainam na alak,

Na tumutulong marahan para sa aking sinisinta,

Na dumudulas sa mga labi ng nangatutulog.

10Ako'y A. ng A. 2:16; 6:13. sa aking sinisinta,

At ang kaniyang nasa ay Awit 45:11. sa akin.

11Parito ka, sinisinta ko, lumabas tayo sa parang;

Tumigil tayo sa mga nayon.

12Sampahin nating maaga ang mga ubasan:

Tingnan natin kung ang puno ng ubas ay A. ng A. 6:11. nagbubuko,

At kung ang kaniyang mga A. ng A. 2:13. bulaklak ay nagsisibuka,

At kung ang mga granada ay namumulaklak:

Doo'y idudulot ko sa iyo ang aking pagsinta.

13Ang mga mandragora ay Gen. 30:14. nagpapahalimuyak ng bango,

At nasa ating mga pintuan Mat. 13:52. ang lahat na sarisaring mahalagang bunga, bago at luma,

Na aking inilapag para sa iyo, Oh sinisinta ko.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help