EFESO 2 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

1At kayo'y binuhay niya, Col. 2:13. nang kayo'y mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan,

2Na inyong nilakaran tal. 3, 13. noong una ayon sa Ef. 1:4. lakad ng sanglibutang ito, ayon Juan 12:31; Ef. 6:12. sa pangulo ng mga kapangyarihan ng hangin, ng espiritu na ngayon ay gumagawa sa Ef. 5:6; Col. 3:6. mga anak ng pagsuway;

3Sa gitna ng mga yaon, tayo rin naman, ng ibang panahon ay nangabubuhay sa Gal. 5:16. mga kahalayan ng ating laman, na ating ginagawa ang mga pita ng laman at ng pagiisip, at Awit 51:5. tayo noo'y katutubong mga anak ng kagalitan, gaya naman ng mga iba:—

4Nguni't ang Dios, palibhasa'y mayaman sa awa, dahil sa kaniyang malaking pagibig na kaniyang iniibig sa atin,

5Bagama't Rom. 5:6, 8, 10. tayo'y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, Rom. 6:4, 5. tayo'y binuhay na kalakip ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo'y nangaligtas),

6At tayo'y ibinangong kalakip niya, at pinaupong kasama niya Ef. 1:3. sa sangkalangitan, kay Cristo Jesus:

7Upang sa mga panahong darating ay maihayag niya ang dakilang kayamanan ng kaniyang biyaya sa kagandahang-loob sa atin kay Cristo Jesus:

8Sapagka't sa biyaya tal. 5; Rom. 8:24. kayo'y nangaligtas Rom. 4:16. sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, Juan 6:44, 65.

ito'y kaloob ng Dios;

9Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, Rom. 11:6. upang ang sinoman ay huwag magmapuri.

10Sapagka't tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, Ef. 1:4. na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran.

11Kaya nga Ef. 5:8. alalahanin ninyo, na kayo noong una, mga Gentil sa laman, tinatawag na Di-pagtutuli niyaong tinatawag na Col. 2:11. Pagtutuli sa laman, na ginawa ng mga kamay:

12Na kayo nang panahong yaon ay mga hiwalay kay Cristo, na mga di kabilang sa bansa ng Israel, at mga taga ibang lupa tungkol sa Rom. 9:4. mga tipan ng pangako, na 1 Tes. 4:13. walang pagasa at walang Dios sa sanglibutan.

13Datapuwa't ngayon kay Cristo Jesus kayo na noong panahon ay nalalayo Gawa 2:39. ay inilapit sa dugo ni Cristo.

14Sapagka't siya ang ating kapayapaan, Juan 10:16. na kaniyang pinagisa ang dalawa, at iginiba ang pader na nasa gitna na nagpapahiwalay,

15Na inalis Col. 1:21, 22. ang pagkakaalit Col. 2:14. sa pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may mga batas at ang palatuntunan; upang sa dalawa ay lalangin sa kaniyang sarili ang isang Gal. 6:15. taong bago, sa ganito'y ginagawa ang kapayapaan;

16At Col. 1:20, 21, 22. upang papagkasunduin silang dalawa sa Ef. 4:4. isang katawan sa Dios sa pamamagitan ng krus, Rom. 6:6; 8:3; Col. 2:15. na sa kaniya'y pinatay ang pagkakaalit.

17At siya'y naparito Is. 57:19. at ipinangaral ang kapayapaan sa inyong nalalayo, at ang kapayapaan sa nangalalapit:

18Sapagka't Juan 14:6, 13. sa pamamagitan niya Ef. 3:12. tayo'y may pagpasok sa 1 Cor. 12:13. isang Espiritu rin sa Ama.

19Kaya nga hindi na kayo mga tal. 12. taga ibang lupa at mga manglalakbay, kundi kayo'y mga Heb. 12:22, 23. kababayan na kasama ng mga banal, at sangbahayan ng Dios,

20 Col. 2:7. Na mga itinatayo sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga Apoc. 21:14. apostol at ng mga Ef. 3:5. propeta, na si Cristo Jesus din Awit 118:22. ang pangulong bato sa panulok;

21Na sa kaniya'y ang buong gusali, na nakalapat na mabuti, ay lumalago upang maging 1 Cor. 3:16. isang templong banal sa Panginoon;

22Na sa kaniya'y itinayo naman 1 Ped. 2:5. kayo upang maging tahanan ng Dios sa Espiritu.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help