1Pagkatapos ay dinala niya ako sa pintuang-daan, sa makatuwid baga'y sa pintuang-daan Ezek. 40:6; 42:15; 44:1. na nakaharap sa dakong silanganan.
2At, narito, ang Ezek. 11:23; Apoc. 21:11. kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay nanggagaling sa dakong silanganan: at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng Ezek. 1:24. maraming tubig; at Apoc. 18:1. ang lupa ay nagningning sa kaniyang kaluwalhatian.
3At ayon sa anyo ng pangitain na aking nakita, ayon sa pangitain na nakita ko nang ako'y pumaroon upang gibain ang bayan; at ang mga pangitain ay gaya ng pangitain na aking nakita Ezek. 1:1. sa tabi ng ilog Chebar: at ako'y nasubasob.
4At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay pumasok sa bahay sa daan ng pintuang-daan na nakaharap sa dakong silanganan.
5At Ezek. 3:12; Apoc. 21:10. itinaas ako ng Espiritu, at dinala ako sa lalong loob na looban; at, narito, napuno 1 Hari 8:10, 11; Ezek. 44:4. ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay.
6At aking narinig ang isang nagsasalita sa akin mula sa bahay; at Ezek. 9:2; 40:3. isang lalake ay tumayo sa siping ko.
7At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, Awit 99:1.
ito ang Is. 60:13. dako ng aking luklukan, at dako ng mga talampakan ng aking mga paa, na aking tatahanan sa gitna ng mga anak ni Israel magpakailan man. At hindi na lalapastanganin pa ng sangbahayan ni Israel ang aking banal na pangalan, nila man, o ng kanilang mga hari man, ng kanilang pagpapatutot, at ng mga bangkay man ng kanilang mga hari sa kanilang mga mataas na dako;8Sa kanilang paglalagay ng 2 Hari 16:14; 21:5, 7; 8:31. kanilang pasukan sa tabi ng aking pasukan, at ng kanilang haligi ng pintuan sa tabi ng aking haligi ng pintuan, at wala kundi pader sa pagitan ko at nila; at kanilang nilapastangan ang aking banal na pangalan sa pamamagitan ng kanilang mga kasuklamsuklam na kanilang ginawa: kaya't aking pinugnaw sila sa aking galit.
9Iwan nga nila ang kanilang pagpapatutot, at ilayo sa akin ang mga bangkay ng kanilang mga hari, at ako'y tatahan sa gitna nila magpakailan man.
10Ikaw, anak ng tao, Ezek. 40:4. ituro mo ang bahay sa sangbahayan ni Israel, upang sila'y mangapahiya sa kanilang mga kasamaan; at sukatin nila ang anyo.
11At kung sila'y mangapahiya sa lahat nilang ginawa, ipakilala mo sa kanila ang anyo ng bahay, at ang pagka-anyo niyaon, at ang mga labasan niyaon, at ang mga pasukan niyaon, at lahat ng anyo niyaon, at ang lahat ng mga alituntunin niyaon, at lahat ng anyo niyaon, at lahat ng kautusan niyaon; at iyong isulat yaon sa kanilang paningin; upang kanilang maingatan ang buong anyo niyaon, at ang lahat ng mga alituntunin niyaon, at kanilang isagawa.
12Ito ang kautusan tungkol sa bahay; Ezek. 40:2. ang taluktok ng bundok sa buong Ezek. 40:12; 42:15, 20. hangganan niyaon sa palibot ay magiging kabanalbanalan. Narito, ito ang kautusan tungkol sa bahay.
Ang mga sukat ng dambana.13At ito ang mga sukat ng Ex. 27:1-8; Ezek. 40:47; 47:1. dambana ayon sa mga siko (ang siko na pinakasukat ay isang siko at isang lapad ng kamay): ang patungan ay isang siko, at ang luwang ay isang siko, at ang gilid niyaon sa palibot ay isang dangkal; at ito ang magiging patungan ng dambana.
14At mula sa patungan sa lupa sa lalong mababang tal. 17, 20; Ezek. 45:19. grado ay malalagay na dalawang siko, at ang luwang ay isang siko; at mula sa lalong mababang grado hanggang sa lalong mataas na grado ay malalagay na apat na siko, at ang luwang ay isang siko.
15At ang lalong mataas na dambana ay magiging apat na siko; at mula sa apuyan ng dambana hanggang sa dakong itaas ay magkakaroon ng apat na sungay.
16At ang apuyan ng dambana ay magkakaroon ng labing dalawang siko ang haba at labing dalawa ang luwang, parisukat sa apat na tagiliran niyaon.
17At ang patungan niyaon ay magkakaroon ng labing apat na siko ang haba at labing apat na siko ang luwang sa apat na tagiliran niyaon; at ang gilid sa palibot ay magiging kalahating siko; at ang patungan niyaon ay magiging isang siko sa palibot; at ang mga baytang niyaon ay paharap sa dakong silanganan.
Ang pagpapasakdal sa dambana.18At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ito ang mga alituntunin tungkol sa dambana sa kaarawan na kanilang gagawin, upang paghandugan sa ibabaw ng mga handog na susunugin, at upang Lev. 1:5. pagwisikan ng dugo.
19Iyong ibibigay sa Deut. 17:9; 24:8; Jer. 33:18; Ezek. 44:15. mga saserdote na mga Levita Ezek. 40:46. na sa angkan ni Sadoc na malapit sa akin, Ezek. 29:10. upang magsipangasiwa sa akin, sabi ng Panginoong Dios, ang isang guyang baka na Lev. 8:14. pinakahandog dahil sa kasalanan.
20At kukuha ka ng dugo niyaon, at ilalagay mo sa apat na sungay niyaon, at sa apat na sulok ng patungan, at sa laylayan sa palibot: ganito mo lilinisin yaon at tutubusin ito.
21Iyo rin namang kukunin ang guyang toro na handog dahil sa kasalanan, at Ex. 29:14. susunugin mo sa takdang dako ng bahay, sa labas ng santuario.
22At sa ikalawang araw ay maghahandog ka ng kambing na lalake na walang kapintasan na pinakahandog dahil sa kasalanan; at kanilang lilinisin ang dambana gaya ng kanilang pagkalilis sa pamamagitan ng guyang toro.
23Pagka ikaw ay nakatapos ng paglilinis, maghahandog ka ng isang guyang toro na walang kapintasan, at isang lalaking tupa na mula sa kawan na walang kapintasan.
24At iyong ilalapit ang mga yaon sa harap ng Panginoon, at Lev. 2:13. hahagisan ng asin ang mga yaon ng mga saserdote, at kanilang ihahandog na pinakahandog na susunugin sa Panginoon.
25Pitong araw na maghahanda ka sa bawa't araw ng Ex. 29:35, 36; Lev. 8:33. isang kambing na pinakahandog dahil sa kasalanan: maghahanda rin sila ng guyang toro, at isang lalaking tupang mula sa kawan, na walang kapintasan.
26Pitong araw na kanilang tutubusin ang dambana at lilinisin; gayon nila itatalaga.
27At pagka kanilang naganap ang mga kaarawan, mangyayari na Lev. 9:1. sa ikawalong araw, at sa haharapin, maghahandog ang mga saserdote ng inyong mga handog na susunugin sa ibabaw ng dambana, at ang inyong mga handog tungkol sa kapayapaan; at aking Job 42:8; Ezek. 20:40, 41; Rom. 12:1; 1 Ped. 2:5. tatanggapin kayo, sabi ng Panginoong Dios.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.