1Tunay bang kayo'y nangagsasalita ng katuwiran Oh kayong mga makapangyarihan?
Nagsisihatol ba kayo ng matuwid, Oh kayong mga anak ng mga tao?
2Oo, sa puso ay nagsisigawa kayo ng kasamaan;
Inyong tinitimbang ang pangdadahas ng inyong mga kamay sa lupa.
3Ang masama ay naliligaw mula sa bahay-bata:
Sila'y naliligaw pagkapanganak sa kanila, na nagsasalita ng mga kasinungalingan.
4 Awit 140:3; Ec. 10:11. Ang kanilang kamandag ay parang kamandag ng ahas:
Sila'y Jer. 8:17. gaya ng binging ahas na nagtatakip ng kaniyang pakinig;
5At hindi nakakarinig ng tinig Ec. 10:11. ng mga enkantador,
Na kailan man ay hindi umeenkanto ng gayon na may karunungan.
6Iyong bungalin ang kanilang mga ngipin, Job 4:10. Oh Dios, sa kanilang bibig:
Iyong bungalin ang mga malaking ngipin ng mga batang leon, Oh Panginoon.
7 Jos. 7:5; Awit 112:10. Mangatunaw nawa silang parang tubig na umaagos:
Pagka inihilagpos niya ang kaniyang mga palaso, maging gaya nawa ng nangaluray.
8 Maging gaya nawa ng laman ng suso na natutunaw at napapawi:
Job 3:16; Ec. 6:3. Na gaya ng naagas sa babae na hindi nakakita ng araw.
9 Ec. 7:6. Bago makaramdam ang inyong mga palyok ng mga dawag na panggatong,
Job 27:21. Kaniyang kukunin ang mga yaon ng ipoipo, ang sariwa at gayon din ang nagniningas.
10 Awit 32:11. Magagalak ang matuwid pagka nakita niya Is. 63:3; Apoc. 14:20. ang higanti:
Kaniyang huhugasan Awit 68:23. ang kaniyang mga paa sa dugo ng masama.
11 Awit 92:15. Na anopa't sasabihin ng mga tao, Katotohanang may kagantihan sa matuwid:
Katotohanang may Dios na Awit 9:8. humahatol sa lupa.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.
