1At ito
At sa tuktok ng ulo niya na hiwalay sa kaniyang mga kapatid.
17 1 Cron. 5:1. Ang panganay ng kaniyang baka, na may kamahalan;
At ang mga sungay niyaon ay parang mga sungay ng mabangis na toro:
Siya niyang 1 Hari 22:11; Awit 44:5; Dan. 8:4. ipantutulak sa mga bayan, lahat sa kanila, kahit na nasa mga hangganan ng lupa:
At Gen. 48:19. sila ang laksa-laksa ng Ephraim,
At sila ang libolibo ng Manases.
18At tungkol sa Zabulon ay kaniyang sinabi,
Gen. 49:13, 15. Magalak ka, Zabulon, sa iyong paglabas;
At ikaw, Issachar, sa iyong mga tolda.
19 Is. 2:3. Kanilang tatawagin ang mga bayan sa bundok;
Doo'y Awit 4:5; 51:19. maghahandog sila ng mga hain ng katuwiran:
Sapagka't kanilang hihititin ang mga kasaganaan ng mga dagat,
At ang natatagong kayamanan sa buhanginan.
20At tungkol sa Gad, ay kaniyang sinabi,
Pagpalain yaong magpalaki sa Gad:
Siya'y tumatahan Gen. 49:9. parang isang leona,
At dudurog ng bisig, sangpu ng bao ng ulo.
21At Blg. 32:1-5, 17-19. kaniyang inagap ang unang bahagi para sa kaniya,
Sapagka't doon natago ang bahagi ng Gen. 49:10. gumagawa ng kautusan;
At siya'y Jos. 4:12. pumaroong kasama ng mga pangulo ng bayan,
Kaniyang isinagawa ang katuwiran ng Panginoon,
At ang kaniyang mga kahatulan sa Israel.
22At tungkol sa Dan ay kaniyang sinabi,
Ang Dan ay Gen. 49:9. anak ng leon,
Na Jos. 19:47; Huk. 18:27. lumukso mula sa Basan.
23At tungkol sa Nephtali ay kaniyang sinabi,
Oh Gen. 49:21. Nephtali, busog ng lingap,
At puspos ng pagpapala ng Panginoon:
Blg. 27:12. Ariin mo ang kalunuran at ang timugan.
24At tungkol sa Aser ay kaniyang sinabi,
Gen. 49:20. Pagpalain nawa sa mga anak ang Aser,
Mahalin nawa siya ng kaniyang mga kapatid,
At ilubog ang kaniyang paa sa langis.
25Ang iyong mga halang ay magiging bakal at tanso;
At kung paano ang iyong mga kaarawan ay magkagayon nawa ang iyong lakas.
26 Ex. 15:11. Walang gaya ng Dios, Oh Deut. 32:15.Jeshurun,
Awit 68:4, 33; 104:3. Na sumasakay sa langit dahil sa pagtulong sa iyo,
At sa himpapawid dahil sa kaniyang karangalan.
27Ang walang hanggang Dios ay iyong Awit 71:3; 90:1. dakong tahanan,
At sa ibaba'y ang walang hanggang mga bisig:
At kaniyang itinutulak sa harap mo ang kaaway,
At sinabi, Lansagin mo.
28 Blg. 28:9. At ang Israel ay tumatahang tiwala,
Deut. 8:7-8. Ang bukal ng Jacob na nagiisa,
Sa Gen. 27:28. isang lupain ng trigo at alak;
Oo't, ang kaniyang mga langit ay Deut. 32:2. nagbababa ng hamog.
29Maginhawa ka, Oh Israel:
Sino ang gaya mo, bayang iniligtas ng Panginoon,
Awit 115:9-11. Ng kalasag na iyong tulong,
At siyang tabak ng iyong karangalan!
At ang iyong mga kaaway ay Awit 18:44. susuko sa iyo:
At ikaw ay tutungtong sa kanilang mga matataas na dako.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.