MGA AWIT 101 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Awit ni David.

1Aking aawitin ang kagandahang-loob at kahatulan:

Sa iyo, Oh Panginoon, aawit ako ng mga pagpupuri.

2Ako'y magpapakapantas sa sakdal na lakad:

Oh kailan ka pasasa akin?

Ako'y lalakad sa loob ng aking bahay na 1 Hari 9:4; Awit 78:72. may sakdal na puso.

3Hindi ako maglalagay Deut. 15:9. ng hamak na bagay sa harap ng aking mga mata:

Awit 97:10. Aking ipinagtanim ang gawa nilang lisya:

Hindi kakapit sa akin.

4 Kaw. 11:20; 17:20. Ang suwail na puso ay hihiwalay sa akin:

Mat. 7:23; 2 Tim. 2:19. Hindi ako makakaalam ng masamang bagay.

5Ang sumisirang puri na lihim sa kaniyang kapuwa Awit 94:23. ay aking ibubuwal:

Siya na may mapagmataas na tingin at may palalong puso ay hindi ko titiisin.

6Ang mga mata ko'y itititig ko sa mga tapat sa lupain, upang sila'y makatahan na kasama ko:

Siya na lumalakad sa sakdal na daan, siya'y mangangasiwa sa akin.

7Siyang gumagawa ng karayaan ay hindi tatahan sa loob ng aking bahay:

Siyang nagsasalita ng kabulaanan ay hindi matatatag sa harap ng aking mga mata.

8Tuwing umaga ay aking lilipulin ang lahat na masama sa lupain;

Upang ihiwalay ang lahat na manggagawa ng kasamaan Awit 48:8. sa bayan ng Panginoon.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help