ISAIAS 26 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Awit ng pagtitiwala sa pagiingat ng Panginoon.

1Sa araw na Is. 2:11. yaon ay aawitin ang awit na ito sa lupain ng Juda: Tayo ay may matibay na bayan; Is. 60:18. kaligtasan ay kaniyang ilalagay na pinakakuta at pinakakatibayan.

2Buksan ninyo ang mga pintuang-bayan, Awit 118:19, 20. upang mapasukan ng matuwid na bansa na nagiingat ng katotohanan.

3Iyong iingatan siya sa lubos na kapayapaan, na ang pagiisip ay sumasa iyo: sapagka't siya'y tumitiwala sa iyo.

4Magsitiwala kayo sa Panginoon Is. 45:17. magpakailan man: sapagka't nasa Panginoong Jehova ang walang hanggang bato.

5Sapagka't ibinaba niya sila na nagsisitahan sa itaas, na mapagmataas na bayan: Is. 45:12. kaniyang ibinaba, ibinaba hanggang sa lupa: kaniyang ibinagsak hanggang sa alabok.

6Yayapakan ng paa, sa makatuwid baga'y ng mga paa ng dukha, at ng mga hakbang ng mapagkailangan.

7Ang daan ng ganap ay katuwiran: Awit 58:2. ikaw na matuwid ay nagtuturo ng landas ng ganap.

8Oo, Is. 64:5. sa daan ng iyong mga kahatulan, Oh Panginoon, nangaghintay kami sa iyo: Neh. 1:21. sa iyong pangalan at sa alaala sa iyo ang nasa ng aming kaluluwa.

9Ninasa Awit 77:2; A. ng A. 3:1. kita ng aking kaluluwa sa gabi; oo, ng diwa ko sa loob ko ay hahanapin kita na masikap: sapagka't pagka nasa lupa ang iyong mga kahatulan ay nangatututo ng katuwiran ang mga nananahan sa sanglibutan.

10Magpakita man ng awa sa masama, Ec. 8:12. hindi rin siya matututo ng katuwiran; Awit 143:10. sa lupain ng katuwiran ay gagawa siyang may kamalian, at hindi niya mapapansin ang kamahalan ng Panginoon.

11Panginoon, ang iyong kamay ay nakataas, gayon ma'y hindi nila nakikita: nguni't makikita nila ang iyong sikap sa bayan, at mangapapahiya; oo, sasakmalin ng apoy ang iyong mga kaaway.

12Panginoon, ikaw ay magaayos ng kapayapaan sa amin: sapagka't ikaw rin ang 1 Cor. 15:10. gumawa ng lahat naming gawa na para sa amin.

13Oh Panginoon naming Dios, 2 Cron. 12:18. ang ibang mga panginoon, bukod sa iyo ay nagtaglay ng pagkapanginoon sa amin; nguni't 2 Hari 18:4-6. ikaw lamang ang babanggitin namin sa pangalan.

14 Sila'y patay, sila'y hindi mabubuhay; sila'y namatay, sila'y hindi babangon: kaya't iyong dinalaw at sinira sila, Ec. 9:5. at pinawi mo ang lahat na alaala sa kanila.

15 Is. 9:3. Iyong pinarami ang bansa, Oh Panginoon, iyong pinarami ang bansa; ikaw ay nagpakaluwalhati: iyong pinalaki ang lahat na hangganan ng lupain.

16Panginoon, Os. 5:15. sa kabagabagan ay dinalaw ka nila, sila'y nangagbugso ng dalangin, nang pinarurusahan mo sila.

17Gaya Is. 13:8. ng babae na nagdadalang-tao na lumalapit ang panahon ng kaniyang panganganak, ay nasa hirap at humihiyaw sa kaniyang pagdaramdam; naging gayon kami sa harap mo, Oh Panginoon.

18Kami ay nangagdalang-tao, kami ay nalagay sa pagdaramdam, kami ay tila nanganak ng hangin; kami ay hindi nagsigawa ng anomang kagalingan sa lupa; o nabuwal man Awit 17:14. ang mga nananahan sa sanglibutan.

19Ang iyong mga patay ay mangabubuhay; ang aking patay na katawan ay babangon. Dan. 12:2; Ef. 6:14. Magsigising at magsiawit, kayong nagsisitahan sa alabok: sapagka't ang iyong hamog ay gaya ng hamog ng mga damo, at iluluwa ng lupa ang mga patay.

20Ikaw ay parito, bayan ko, Mat. 6:6. pumasok ka sa iyong mga silid, at isara mo ang iyong mga pintuan sa palibot mo: magkubli kang sangdali, hanggang sa ang galit ay makalampas;

21Sapagka't, narito, ang Panginoon ay lumalabas Mik. 1:3; Jud. 4. mula sa kaniyang dako upang parusahan ang mga nananahan sa lupa dahil sa kanilang kasamaan: ililitaw naman ng lupa ang kaniyang dugo, at hindi na tatakpan ang kaniyang nangapatay.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help