I PEDRO 4 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

1Kung paano ngang si 1 Ped. 3:18. Cristo ay nagbata sa laman, ay magsandata rin naman kayo ng gayong pagiisip; sapagka't siya Rom. 6:2, 7. na nagbata sa laman ay nagpapatigil sa kasalanan;

2 Rom. 6:11, 13. Upang huwag na kayong mangabuhay sa laman sa inyong nalalabing panahon sa Tit. 2:12. mga masamang pita ng mga tao, tal. 19. kundi sa kalooban ng Dios.

3Sapagka't sukat na ang nakaraang panahon Ef. 4:17, 18, 19. upang gawin ang hangad ng mga Gentil, at lumakad sa kalibugan, sa mga masamang pita, sa mga paglalasing, sa mga kalayawan, sa mga kayamuan, at sa kasuklamsuklam na Gal. 5:20. pagsamba sa mga diosdiosan:

4Ikinahahanga nila ang bagay na ito na kayo'y hindi nakikitakbong kasama nila sa gayong pagpapakalabis ng kaguluhan, 1 Ped. 3:16. kung kaya't kayo'y pinagsasalitaan ng masama:

5Na sila'y magbibigay sulit sa kaniya na handang Gawa 10:42. humukom sa mga buhay at sa mga patay.

6Sapagka't dahil dito'y 1 Ped. 3:19. ipinangaral maging sa mga patay ang evangelio, upang sila, ayon sa mga tao sa laman ay mangahatulan, datapuwa't mangabuhay sa espiritu ayon sa Dios.

7Nguni't Mat. 24:14; Rom. 13:11. ang wakas ng lahat ng mga bagay ay malapit na: Mat. 26:41; Luc. 21:36. kayo nga'y mangagpakahinahon, at mangagpuyat sa pananalangin:

8Na una sa lahat ay Juan 13:34. maging maningas kayo sa inyong pagiibigan; Col. 3:14. sapagka't ang Kaw. 10:12. pagibig ay nagtatakip ng karamihang kasalanan:

9 1 Tim. 3:2. Na mangagpatuluyan kayo ng walang bulongbulungan:

10Na Rom. 12:6. ayon sa kaloob na tinanggap ng bawa't isa, ay ipaglingkod sa inyo-inyo rin, na gaya ng mabubuting Luc. 12:42. katiwala ng masaganang biyaya ng Dios;

11Na kung ang sinoma'y nagsasalita, ay gaya ng sa mga Rom. 3:2. aral ng Dios: Rom. 12:7. kung ang sinoman ay nangangasiwa, ay gaya ng sa kalakasang ibinibigay ng Dios: 1 Cor. 10:31. upang ang Dios ay papurihan sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ni Jesucristo, 1 Ped. 5:11. na sa kaniya ang kaluwalhatian at ang paghahari magpakailan man. Siya nawa.

12Mga minamahal, huwag kayong mangagtaka tungkol sa mahigpit na pagsubok sa inyo, na dumarating sa inyo upang kayo'y 1 Ped. 1:9. subukin, na waring ang nangyayari sa inyo'y di karaniwang bagay:

13Kundi kayo'y mangagalak, Gawa 5:41. sapagka't 2 Cor. 1:5, 7. kayo'y mga karamay sa mga hirap ni Cristo; 1 Ped. 1:5-7. upang sa pagkahayag ng kaniyang kaluwalhatian naman ay mangagalak kayo ng malabis na galak.

14Kung kayo'y mapintasan Juan 15:21. dahil sa pangalan ni Cristo, ay mapapalad kayo; sapagka't ang Espiritu ng kaluwalhatian at ang Espiritu ng Dios ay nagpapahingalay sa inyo.

15Nguni't huwag magbata ang sinoman sa inyo na gaya ng mamamatay-tao, o magnanakaw, o manggagawa ng masama, 2 Tes. 3:11. o gaya ng mapakialam sa mga bagay ng iba:

16Nguni't kung ang isang tao ay magbata na Gawa 11:26. gaya ng Cristiano, ay huwag mahiya; kundi luwalhatiin ang Dios sa pangalang ito.

17Sapagka't dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa Heb. 10:21. bahay ng Dios: at Rom. 2:9. kung mauna sa atin, ano kaya ang wakas ng mga hindi nagsisitalima sa evangelio ng Dios?

18At kung ang matuwid Kaw. 11:31. ay bahagya ng makaliligtas, ang masama at ang makasalanan ay saan kaya magsisiharap?

19Kaya't Luc. 23:46. ipagkatiwala naman ng nangagbabata ayon sa tal. 2. kalooban ng Dios ang kanilang mga kaluluwa sa paggawa ng mabuti sa tapat na Lumalang.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help