1Ingatan mo ako, Oh Dios; sapagka't sa iyo nanganganlong ako.
2 Oh kaluluwa ko, iyong sinabi sa Panginoon, Ikaw ay aking Panginoon:
Ako'y walang kabutihan liban sa iyo.
3Tungkol sa mga banal na nangasa lupa,
Sila ang maririlag na mga kinalulugdan kong lubos.
4Ang mga kalumbayan nila ay dadami, na nangaghahandog sa ibang dios:
Ang kanilang inuming handog na dugo ay hindi ko ihahandog,
Ni sasambitin man ang kanilang mga pangalan Ex. 23:13. sa aking mga labi.
5 Deut. 32:9; Panag. 3:24. Ang Panginoon ay siyang bahagi ng aking mana at ng Awit 23:5. aking saro:
Iyong inaalalayan ang aking kapalaran.
6Ang pising panukat ay nangahulog sa akin sa mga maligayang dako;
Oo, ako'y may mainam na mana.
7Aking pupurihin ang Panginoon na nagbibigay sa akin ng payo:
Awit 17:3. Oo, tinuturuan ako sa gabi ng Awit 7:9. aking puso.
8 Awit 119:30; Gawa 2:25-28. Aking inilagay na lagi ang Panginoon sa harap ko:
Sapagka't kung siya ay Awit 109:31; 121:5. nasa aking kanan, hindi ako makikilos.
9Kaya't ang aking puso ay masaya, at ang aking kaluwalhatian ay nagagalak:
Ang akin namang katawan ay tatahang tiwasay.
10 Gawa 13:35. Sapagka't hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Awit 30:3. Sheol;
Ni hindi mo man titiisin ang iyong Mar. 1:24. banal ay makakita ng kabulukan.
11Iyong ituturo sa akin Mat. 7:14. ang landas ng buhay:
Nasa iyong harapan Awit 17:15; 21:6. ang kapuspusan ng kagalakan;
Sa iyong kanan ay may mga Awit 36:3. kasayahan magpakailan man.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.
