1At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,
2 at kung hindi mo tutubusin, ay iyo ngang babaliin ang kaniyang leeg: Blg. 33:6.at lahat ng mga panganay na lalake sa iyong mga anak ay iyong tutubusin.
14 Ex. 12:26. At mangyayari, na pagtatanong sa iyo ng iyong anak sa panahong darating, na sasabihin, Ano ito? na iyong sasabihin sa kaniya: Sa pamamagitan ng lakas ng kamay ay inilabas tayo ng Panginoon sa Egipto, sa bahay ng pagkaalipin.
15At nangyari, nang magmatigas si Faraon na hindi kami tulutang yumaon, ay pinatay ng Ex. 12:29. Panginoon ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto, ang panganay ng tao at gayon din ang panganay ng hayop: kaya't aking inihahain sa Panginoon ang lahat ng nagbubukas ng bahay-bata na mga lalake; nguni't lahat ng panganay ng aking anak ay aking tal. 13.tinutubos.
16At magiging pinakatanda sa iyong kamay, at pinakaalaala sa pagitan ng iyong mga mata: sapagka't sa pamamagitan ng lakas ng kamay ay inilabas tayo ng Panginoon sa Egipto.
17At nangyari, nang tulutan ni Faraon na ang bayan ay yumaon, na hindi sila pinatnubayan ng Dios sa daang patungo sa lupain ng mga Filisteo, bagaman malapit; sapagka't sinabi ng Dios, Ex. 14:11, 12; Blg. 14:1, 4.Baka sakaling ang bayan ay magsisi pagkakita ng pagbabaka, at magsipagbalik sa Egipto:
18Kundi pinatnubayan ng Dios ang bayan sa Ex. 14:2.palibot, sa daang patungo sa ilang sa tabi ng Dagat na Mapula: at ang mga anak ni Israel ay sumampang nangakasakbat mula sa lupain ng Egipto.
19At dinala ni Moises ang mga buto ni Jose: sapagka't kaniyang ipinanumpang mahigpit sa mga anak ni Israel, na sinasabi, Gen. 50:25; Jos. 24:32; Gawa 7:16.Tunay na dadalawin kayo ng Dios; at inyong isasampa ang aking mga buto mula rito na kasama ninyo.
20 Blg. 33:6. At sila'y naglakbay mula sa Succoth, at humantong sa Etham, sa hangganan ng ilang.
21 Ex. 14:19, 24; 40:38; Blg. 9:15; 10:34; 14:14; Deut. 1:33; Neh. 9:12, 19; Awit 78:14; 99:7; 105:39; Is. 4:5; 1 Cor. 10:1. At ang Panginoon ay nangunguna sa kanila sa araw, sa isang haliging ulap, upang patnubayan sila sa daan; at sa gabi, ay sa isang haliging apoy, upang tanglawan sila; upang sila'y makapaglakad sa araw at sa gabi.
22Ang haliging ulap sa araw at ang haliging apoy sa gabi ay hindi humihiwalay sa harapan ng bayan.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.